IKAW

Pag-aari ng may akda.
Rado sa takipsilim

IKAW
Tula ni Rado Gatchalian

Ikaw ang ugat ng lahat sa akin
At kung di man makamit
Ang pangarap at mithiin,
Hindi mahalaga ang bungang ito
Kung ikaw sa akin ay maglaho.
Mahal kita di lang dahil kaw ang tibok ng puso
Kundi kabiyak ng nag-iisa kong buhay dito sa mundo,
At kung lilisanin ko man ang nanlulumong daigdig,
Ikaw at ikaw - ngayon at bukas ang kapiling,
Hahanapin kita sa kabilang buhay man,
Ang pag-ibig na ang ugat ay ikaw lamang,
Tulad ng batis na nanunuyo kung saan mo ko dadalhin,
Maghihintay sa iyo sa umaga o gabing nananabik,
Ako’y isang irog na sisilip-silip sa mga bituin
At doo’y aking ihahandog ang walang kamatayang halik.

NB
Tulang handog sa pinakamamahal niyang Ina, Nanay Betty whose memory is rapidly deteriorating. 

Handog din sa Inang Bayang Pilipinas.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay