DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

Tula ni Jeremiah Chavez Eufemio



DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

Sa lagaslas ng dalampasigan 
Doon ko natagpuan ang kapayapaan
Hatid ng hampas ng mga alon
At banayad na init ng dapit hapon.

Sa mga puting buhangin ng Panubigan
Doon ko natagpuan ang karangalan
Sa matapat na araw ng pangingisda
Nang dumaong ang kanilang bangka sa dalampasigan

Salat man sa karangyaan ng modernong pamumuhay
Sagana naman sa kasiyahan at kapayapaan
Kay gandang pagmasdan, kay sarap balikan
Ang dalampasigan sa Panubigan.

Copyright @Jeremiah Chavez Eufemio 
(2021)



Sent 15 February 2024

Popular posts from this blog

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay