ENGKANTO SA BAHAY KUBO


Hiram na larawan
Credit to the Owner 

ENGKANTO SA BAHAY KUBO
Tula ni Jeremiah Chavez Eufemio

 
minahal kita ng higit sa lahat
minahal kita, ngunit hindi pala sapat
nagbago ang panlasa mo, ako ay nagulat
sa katotohanang silahis ka, ako ay namulat

dati sabi mo, hanggang sa dulo ay tayo
ngunit ako ay pinagpalit mo sa engkanto
tila baga ikaw ay nagayuma
ng halimuyak nyang puno ng lansa

ngayon sa buhay ko ay wala ka na
sana ang puso ko ay mapuno ulit ng sigla
ngunit sa ngayon ang panyo ko ay basa pa
puno ng mga luha dulot ng puso mong pambihira

pambhirang buhay to, bakit ba nagkaganito?
ang taong mahal ko ay hindi nakuntento
pechay ang hain ko, talong naman ang gusto!
kumain ng gulay sa kabilang bahay kubo...

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay