IKALAWANG UNANG NGITIAN

Tula ni Jeremiah Chavez Eufemio

Ikalawang Unang Ngitian (2008)

Kaibigan, saan ka patungo?
Pag hinto ba ng hakbang mo ay magkikita pa din ba tayo?
Sa gilid ng Carriedo ay di ko na matanaw
ang tindahan ng sapatos na tagpuan natin noong araw

Kailangan ka nagsimula makalimot mag basa?
Kailan mo naalala magsabi ng ‘mama para’
Ako ay natulala nang makita ko ang iyong mukha
Ngunit sa iyong mga mata ako’y wala na sa gunita

Di mo naman nakaligtaan ang ating sumpaan
Na muli tayong magkikita sa ating tagpuan
Iyo mang nalimutan na ako ang iyong katipan
Nawa ay maalala sa ikalawang unang ngitian

Sent 15 February 2024

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay