NANG SUMUKO ANG ULAP
Tula ni Jeffrey Cejero
Nang Sumuko ang Ulap
ni Jepoy
Dati, maaliwalas aking kalangitan
Nagniningning mga bituin at buwan
Sa paligid, ramdam ang kapayapaan
Kaligayan hatid ng buong sanlibutan
Ngunit nang lumisan ang amihan
At pag-asa'y lumubog sa kanluran
Nawala ang init at bumigat ang pakiramdam
Hanggang binalot ako ng lamig at kadiliman
Nang namuo ang kidlat, ito na ba aking katapusan?
Napapahikbi, napapahiyaw, tanging kulog aking panawagan
Hanggang kailan ako lalaban?
Kung lahat sakin, tanging kabiguan
Paligid naging tahimik tulad ng iyong paglisan
Lamig at bigat aking mga pasan
Walang magagawa kundi maging luhaan
Isinuko ang lahat kahit ang natitira kong kahinaan
Nilunod ang sarili sa kalungkutan
Bulong ng hangin, hatid ay kawalan
At patak ng luha ko'y tila walang katapusan
Umiiyak, naghihinagpis... handa ng isuko ang aking laban
Pagdaloy ng panahon, di ko namalayan.
Sa aking pagsuko, gumaan ang pakiramdam
Bumalik ang init at lumiwanag ang kalangitan
Pati mga bituin, naka-ibigan at kasama sa kinabukasan!