ANG SABUNGAN SA AMING NAYON
Tula ni Leah C Dancel
ANG SABUNGAN SA AMING NAYON
Sa aming nayon
Kahit ga'no man kaliit
Tuwing Linggong sasapit
Mga tao ay nag-uumpukan
'Sang lugar na malawak
ang paligid.
Mga bata ay di maawat
Sa paglalaro lahat ay nagkatuwaan.
Naliligo sa sariling pawis
Takbo dito, takbo doon
Sabay ingay sa kasisigaw
Di maparam ang lubos na kagalakan.
Ang mga kababaihan naman
ay abala sa kanilang pagtitinda
Mga kakaning tunay na lutong-bahay
May bibingka, biko, suman at puto
At mga ulam na pagka takam-takam.
Mga lakake'y datapwat mabisyo
Pawang manok ang inaatupag
Hinihimas-himas na parang sinta
Pampa init ng bawat pagnanasa.
Sa kwadradong pangsabungan
Mga manok ay nakagayak
Sa diwa ng matutulis na karayom
Kasingnipis ng nagniningning
na patalim.
Sila'y pinagdwelo hanggat isa
sa kanila ay masawi.
Yan ay isang ala-ala lamang ng kahapon
Kahapon ng masigla kong kabataan
Ngunit nasaan na ang nayon kong ito.
Ni sa guniguni di ko na siya masilayan.
©️ Leah C Dancel
3 July 2024
Orange 🍊
AUSTRALIA