PAGSUKO O PAGLABAN?
July 26, 2024
Pagsuko o Paglaban?
Pag-aakda ni Duoi Ampilan
Humanitarian
Sa bawat lipas na sandali, kaakibat ng buhay ang ligaya't tagumpay, lungkot at kasawian. May mga panahong halos lulunurin ka na ng kaligayahan. May pagkakataon din nabubuwal ka sa bangin na kalungkutan.
Ang bawat araw ay isang laban ng buhay. Ang matiyaga, ang mga handang magtiis at ang may tiwala, hindi yumuyuko sa hampas ng unos. Ang mga sumusuko ay talunang sawi, madaling igupo ng sakunang lumilipas.
Sa bawat yugto ng paglalakbay na ito, tayo ay may malayang pasya. Libre ang lumaban, walang bayad din ang sumuko. Lumaban man o sumuko, tiyak may resulta. Sa pagsukong naiisip, nakalaan ay kasawian. Sa bawat laban, wagi man o talo, tiyak may gantimpala.