KINANG NG SINGSING

29 August 2024

WALA SA IYONG SINGSING ANG KAPANGYARIHANG BABAGO SA DAIGDIG
Ni Rado Gatchalian




Wala sa iyong kumikinang na singsing
Ang kapangyarihang babago sa daigdig,
Wala riyan ang ganap na magpapatunay
Ng iyong walang hanggang pagmamahal;
Hindi mo kailangan ng espadang magbabantay
Sa kahariang ligaw na ligaw sa digmaan,
Ano ba ang iyong pinaglalaban?
Katotohanan o katanyagan?

Walang sapat na panukat kung hanggang saan,
Ikaw ay tuldok lang sa mahabaging kalawakan.

Huwag mong gamitin ang iyong pangalan
Upang maliitin ang walang pinanghahawakan,
Dahil mula sa alikabok hanggang sa alikabok,
Ikaw ay isang abo ring maninikluhod at malilimot.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH