AMARANTH
1 October 2024
Lifted from Duoipedia (Duoi Ampilan)
BANGKWANGAN AT TAGLAY NITONG HEALTH BENEFITS
#Bangkwangan ang tawag sa Maguindanaon sa tanim na ito na ginugulay. Kusa itong tumutubo sa bukirin lalo na sa taniman ng mais at iba pang agricultural crops (sa hindi binabahang lugar). Madalas din itong tutubo sa bakuran at gilid ng daan. Libre din ito kung sa bukid bagaman maraming nagtitinda nito sa palengke.
May mga Bangkwangan na maliliit (native) at may malalaki (cultivated). Sa native na uri, mayroong walang tinik at mayroon din matinik. May Green at Red Amaranth na pangunahing klase.
Ayon sa pag-aaral, nasa 70 ang species ng Amaranth. Nasa 17 species ang itinatanim bilang gulay at 3 para sa grains/seeds nito.
#Kulitis ito sa Tagalog at Amaranth sa English.
Sa culinary culture ng Maguindanaon, narito ang kabilang sa karaniwang pagluluto nito bilang ulam.
🌿 Pinamilit - niluluto sa gata ng niyog. Maaaring may kasama pang ibang gulay. Maaari rin itong may kasamang isda.
🌿 Pidsinina - iginigisa gamit ang "Lana a tidtu" o aromatic home-made coconut oil.
🌿 Linugab - pinapakuluan na may kasamang tanglad, luya, bawang at sibuyas. Tinatawag din ito bilang Tininda.
🌿 Lamëk o panghalu sa nila
📌 HEALTH BENEFITS
Narito ang ilang sa health benefits ng pagkain ng Bangkwangan.
🌿 Mayaman sa Plant Protein
Ang protein ay kailangan ng katawan lalo na sa panahon na ang tao ay nagpapagaling sa sugat at operasyon (surgery). Kailangan din sa growth & development ng mga bata, teenagers at nagbubuntis. Ang protein nito ay walang gluten kaya safe ito sa may allergy sa gluten.
🌿 Mainam sa Digestive System
Maganda ang Amaranth sa digestive system dahil sa taglay nitong dietary fiber na lumilinis ng bituka, tumutulong na magkaroon ng mas madaling pagbabawas at pag-iiwas ng impatso (di natutunawan).
🌿 Maganda Cardiovascular Health
Ang Amaranth ay nagtataglay ng Vitamins, Minerals, Fiber at Antioxidants na mainam sa kalusugan ng Puso (heart health), pagmintina ng normal na blood pressure at cholesterol level sa katawan. Ang sterols or phytosterols ay tumutulong na maibaba ang cholesterol. Ang Potassium ay mainam sa puso at pagmintina na blood pressure.
🌿 Tumutulong sa may Anemia
Ang Amaranth ay may iron kaya mainam ito sa mga taong mababa ang iron na sanhi ng Anemia na may mababang hemoglobin o red blood cells.
🌿 Mainam para sa Paningin
Dahil sa taglay nitong antioxidants kasama ang Vitamin A, mainam ang Amaranth sa pagpspanatili ng kalusugan ng mata at magandang balat.
🌿 May Anti-inflammatory & Anti-Cancer Properties
Dahil sa taglay nitong Antioxidants kasama ang peptide lunasin, ang Amaranth ay makatutulong sa pag-iiwas ng cancer. Mainam ito sa pag-iiwas ng sakit sa puso, stroke as t diabetes dahil sa anti-inflammatory properties nito.
🌿 Mainam sa Kalusugan ng Buto
May mineral na Calcium ang Amaranth na kailangan ng katawan para sa bone health para sa pag-iiwas sa sakit na Osteoporosis.
Ang Amaranth ay may calcium, iron, magnesium, and potassium na kailangan natin para sa bone health at muscle function.
🟠Note: Ang recommended natin ay gagawing ulam ang Bangkwangan at lulutuin para mas safe. Ang ating post ay hindi pamalit sa advice ng inyong medical professional.
📌 Helpful readings on health benefits of Amaranth.
◾https://www.medicinenet.com/what_is_amaranth_good_for/article.htm
◾https://www.moneycontrol.com/news/health-and-fitness/from-diabetes-healthy-heart-weight-loss-anaemia-strong-bones7-health-benefits-of-amaranth-leaves-in-your-daily-diet-11739481.html
◾https://www.webmd.com/diet/health-benefits-amaranth