MAGSASAKA
16 October 2024
MAGSASAKA
Akda ni Duoi Ampilan
Bawat patak ng pawis ay butil na bumubuhay sa marami. Mula sa pagputok ng bukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw ay hindi iniinda ang pagod sa masiglang pagkayod.
Silang limot na bayani sa bukid, ang dakilang magsasaka. Silang nagpapagod at nagpapakasakit para may maitatanim at aanihin. Kung wala sila ay marami ang magugutom sa atin.