CHILDREN'S TRIBUTE TO HIS FATHER
28 March 2025
Inday Sara Duterte, VP of the Philippines
NGAYON LANG AKO NAKAKITA BUONG MUNDO ANG NAG CELEBRATE | Ayon kay VP Sara ngayon lamang siya nakasaksi ng isang pagdiriwang ng kaarawan na buong mundo ang nagcelebrate na kung saan ipinakita ng kanilang mga taga suporta ang pagmamahal sa kanyang ama na si former president Rodrigo Duterte.
***
By Congressman Paulo "Pulong" Duterte
Pa, ngayon mas naiintindihan ko na.
Kaya pala hindi mo kami sinanay sa luho at masarap na buhay, kasi at an early age, tinuturuan mo kami dahil magagamit namin pagtanda namin. Sa pagiging strict mo at disiplina na inituro mo, lahat yun para sa amin dahil alam mong dadating ang araw na kakailanganin namin yung lessons na yun.
Simula nagsilbi ka sa bayan, ipinakita mo sa amin na dapat wag pabayaan ang mga Pilipino, yung mga maliliit, yung mga biktima ng pang-aabuso, yung mga ginahasa at tinatanggalan ng karapatan. Tinuruan mo kami na ituring na pamilya ang kapwa Pilipino.
During your presidency, hindi mo pinabayaan ang mga nagtatanggol sa bayan, mga pulis at mga sundalo. Binigyan mo din ng dangal ang OFW at mataas ang pagtingin mo sa mga teachers and health workers kasi sila yung mga kasama mo noong dumaan ang pandemic at sinubok tayo.
You are going through a rough time now Pa. Gusto ko magalit, na despite everything that you have done for the country, eto ang kapalit, ang hinayaan ka madala sa ibang bansa para husgahan ng mga hindi naman alam ang kalagayan ng Pilipinas. Pero alam ko ang sasabihin mo, sasabihin mo lang na "Pulong, you were raised right kaya yan ang ipakita mo".
Pa, ngayon mas naiintindihan ko na ang mga tinuro mo. Tinuruan mo din kami kung pano lumaban kaya hindi ka namin iiwan. Happy birthday Pa.