NORA AUNOR GREETS FRRD ON HIS 80TH BIRTHDAY
Late Post shared from FB
18 April 2025
Ngayong March 28, 2025 ay araw po na napaka special para sa ating minamahal na Former President Rodrigo Roa Duterte.
Nais ko lamang po siyang batiin sa kanyang kaarawan.
HAPPY 80th BIRTHDAY po TATAY DIGONG!
Sa araw po ng iyong kaarawan hangad ko po at hangad po naming lahat na nagmamahal sa inyo na bigyan pa po kayo ng Poong Maykapal ng KATATAGAN ng LOOB..
Maging malakas pa po ang inyong katawan , at maging isipan. Upang malagpasan po ang anumang pag subok na na nangyayari po sa inyo diyan sa Netherlands.
Isa po ako sa milyong kababayan po natin ang nanalangin sa inyong agarang pagbabalik dito sa ating Bayan.
ISA rin po ako sa mga
nalulungkot dahil sa nangyari sa inyo . Gayunpaman, alam ko po na ito ay inyong malalagpasan dahil malinaw naman po sa aming lahat ang inyong mga nagawa at pagmamalasakit ay para lamang sa ating Bayan!
Umaasa po kaming lahat na makakapiling ka namin dito sa Bayan mong minahal na sobra.
At Maraming salamat din po Tatay Digong, dahil ikaw lamang po ang nag iisang presidente ang kumilala sa aking mga nagawa at naiambag sa ating sining.
Sa huling sandali ng iyong termino ito ay ipinagkaloob mo po sa akin ang NATIONAL ARTIST AWARD. Dalawang kamay mopo ako tinanggap sa Palasyo ng Malacañang.
At nang makita po ako ni Sen. Bong Go ay nilapitan po niya ako agad at pina upo .
Hindi po niya ako iniwan at talagang inalalayan po niya ako.
Kahit may mga kausap ka po ay talagang binigyan mo po ako ng oras na harapin.
Pumunta po ako sa Malacañang para personal na humihingi ng pasensya dahil sa una pong pag bibigay ng award ay nasa hospital po ako.
Kaya pagkalabas po ng hospital binigyan mo po ako ng chance para personal po kita mapasalamatan.
Ito po ay habang buhay kong tatanawin na malaking utang na loob sa inyo.
At hinding hindi ko po malilimutan ang sinabi nyo sa akin na...
"Pag may kailangan ka nasa Davao lang ako"
Ang salita mo pong ito ang nagpapatunay sa akin kung gaano po kayo kabuti at may pagmamalasakit sa lahat.
Maraming salamat po at Gabayan ka po ng Poong Maykapal.
Happy 80th Birthday pong muli.
Hintayin po namin ang iyong Pagbabalik!
Mahal ko po kayo!
Nora Aunor,
National Artist
For Film and Broadcast Arts
Rody Duterte Kitty Duterte
@topfans Bong Go Inday Sara Duterte