PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM: PARODY

10 September 2025
Likha ni Rado is 


𝗟𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻
Makabagong “Lupang Hinirang”
Sa panulat ni Rado Gatchalian
 
Bayang nabaliw
Pagpag ng Silanganan
Alab ng tiyan
Sa pitaka mo’y umaapaw
 
Lupang Ninakawan
Duyan ka ng suwail
Sa mandarambong
Hakot bilyon-bilyon
 
Sa dagat at bundok
Lahat ay makukurakot
May dilag ang pera
At kapangyarihang minamahal
 
Ang kislap ng watawat mo’y
Niyurakan at binaboy
Ang bituin at araw niya
Sawi’t nabalot sa dilim
 
Lupa ng araw ng pighati’t hirap
Buhay ay impyerno sa piling mo
Aming kabiguan sa bawat pagnanakaw
Mamamatay ang Pilipino ng dahil sa iyo


Sagot ni Susan Dancel Isip:
Ang mga buwayang walang kabusugan
Dumadami at nagkakampikampi
Puno na ang bayon maleta at baul 
Ng nakaw na yamang pera ng bayan
Tikom ang bibig ng bawat isa na animo'y 
Tupang di makabasag pinggan.

Popular posts from this blog

COCOY LAUREL'S GIFT TO NORA AUNOR

PARADISE BEYOND DREAMING

DUROG NA PAMENTA