DYALOGO HINDI BANTA

Ang Balita Ngayon
19 October 2025



“Maaaring retirado na kami, ngunit hindi nagbabago ang aming pagmamahal sa bayan at nais naming makibahagi sa laban kontra korapsyon.”

Ito ang matapang na pahayag ni Retired LTC. Mario Jose M. Chico PA matapos ang kontrobersyal na babala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maaaring tanggalan ng pensyon ang mga retiradong opisyal na umano’y nagkakalat ng fake news o nag-uudyok ng sedisyon sa social media.

Sa kanyang bukas na liham, iginiit ni Chico na sa halip na magbanta, mas mainam kung pipiliin ng AFP ang dayalogo at pagkakaisa.

“Buong paggalang kong iminumungkahi na imbes na dumaan sa pananakot, mas magiging makabuluhan kung pipiliin ninyo ang bukas at maayos na pag-uusap sa mga itinuturing ninyong kalaban..”

(“I respectfully suggest that instead of resorting to threats, it would be more productive to engage in a constructive dialogue with those you may perceive as adversaries.”)

Binatikos din niya ang tila magkaibang trato ng AFP sa mga armadong rebeldeng grupo at sa mga dating opisyal na minsang nag-alay ng buhay para sa bansa.

“Nakaka-intrigang mapansin na mas bukas ang AFP sa mga rebeldeng grupo tulad ng Abu Sayyaf at CPP-NPA-NDF, habang tila isinasantabi at pinagtuturingan bilang kalaban ang mga retirado nitong tauhan.”

(“It’s intriguing to see the AFP extend an olive branch to groups like Abu Sayyaf and CPP-NPA-NDF, while seemingly treating retired AFP personnel as enemies.”)

Dagdag ni Chico, kahit sila ay retirado na, nananatiling buo ang kanilang panata sa bayan at handang makipagtulungan laban sa korapsyon.

“Maaaring retirado na kami, ngunit hindi nagbabago ang aming pagmamahal sa bayan at nais naming makibahagi sa laban kontra korapsyon.”

(“We may be retired, but our love for the country remains unwavering, and we’re eager to contribute to the fight against corruption.”)

Sa huli, nanawagan si Chico sa AFP na “makipagtulungan, hindi manakot.”

“Umaasa akong inyong pag-isipang muli ang inyong tindig at makipagtulungan sa amin sa marangal na adhikain na ito.”

(“I hope you’ll reconsider your stance and join forces with us in this noble endeavor.”)

#SenateHearing #Marcos #Duterte #AngBalitaNgayonFB #AFP

Popular posts from this blog

COCOY LAUREL'S GIFT TO NORA AUNOR

THE FALL

Nick Joaquin - Culture and History