LUNOD SA KORAPSYON

Ang Balita Ngayon 
The Winner: Emma Tiglao
MISS GRAND INTERNATIONAL 2025





“MASAKIT SA AKING PUSO NA MAKITA ANG AKING BAYAN NA NALUNOD SA KORAPSYON” — EMMA TIGLAO

Hindi lang kagandahan kundi tapang at paninindigan ang nagpanalo kay Emma Mary Tiglao ng Pampanga, matapos siyang hirangin bilang Miss Grand International 2025 nitong Oktubre 18 sa Bangkok, Thailand.

Sa harap ng libu-libong manonood, ipinamalas ni Tiglao ang diwa ng isang tunay na Pilipina—matapang, may puso, at handang magsalita laban sa katiwalian.

“Masakit sa aking puso na makita ang aking bayan na nalunod sa korapsyon; para sa mga buhay na nawala dahil sa lindol at bagyo. At para sa mga mamamahayag tulad ni Mariam Abu Daga mula sa Gaza, na nam*tay alang-alang sa katotohanan.”
(“As a journalist, my heart aches for my country drowned by corruption, for the lives lost to earthquakes and typhoons. And for journalists like Mariam Abu Daga from Gaza, who died for truth.”)

Dagdag pa niya, ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa loob ng tahanan at sa puso ng bawat isa:

“Hindi tayo isinilang upang matakot, kundi upang umasa, magmahal, at mamuhay sa kapayapaan. Nagsisimula ang kapayapaan kapag tinuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng malasakit, kapag ang mga lider ay nagpapakita ng kababaang-loob, at kapag natagpuan ng kabataan ang kanilang layunin. Kapag tayo ay namuhay nang may empatiya at kabaitan, hayaang ang pag-ibig ang maging pinakamalakas na tinig ng kapayapaan.”
(“We are not born in fear, but to hope, to love, and to live in peace. Peace begins when parents teach children with compassion, leaders embody humility, youth find their purpose. And when we live with empathy and kindness, let love be the grandest voice to peace.”)

Sa Q&A segment, pinatunayan din ni Tiglao na hindi lamang ganda ang kanyang puhunan, kundi talino at prinsipyo. Nang tanungin tungkol sa mga online scam na konektado sa human trafficking, malinaw ang kanyang sagot:

“Bilang isang mamamahayag na nag-uulat ng ganitong mga kwento, nais kong gamitin ang balanse ng kapangyarihan — tayong mamamayan, dapat maging edukado at maalam para hindi tayo maloko, at tungkulin ng pamahalaan na palakasin ang kanilang justice system upang maparusahan ang mga scammer.”
(“As someone who reports these kinds of stories, I really want to use the power of balance — us people, to be educated and aware for us to not be scammed, and the help of the government, to enhance their justice system — for the scammers to be behind bars, to be accountable.”)

“Dahil naniniwala akong darating ang araw na mabubuhay tayo sa mundong mapayapa, kung saan walang kailangang manlinlang para lamang mabuhay.”
(“Because one day, I hope that we will live in a peaceful world where no one should deceive just to survive.”)

Sa kanyang gold-and-orange phoenix gown ni Rian Fernandez, sumimbolo si Tiglao ng pagbangon ng Pilipinas mula sa abo ng korapsyon. At sa kanyang tagumpay, muling nakamit ng bansa ang back-to-back victory sa Miss Grand International — patunay na ang Pilipina ay hindi lang reyna sa kagandahan, kundi sa katotohanan at paninindigan.

#EmmaTiglao #AngBalitaNgayonFB #Marcos #Duterte #MissGrandInternational2025

Popular posts from this blog

COCOY LAUREL'S GIFT TO NORA AUNOR

THE FALL

Nick Joaquin - Culture and History