SALN
From Ang Balita Ngayon 
25 October 2025
“SALN HINDI DAPAT BASTA-BASTA INILALABAS!” - BERSAMIN
Sa gitna ng mga panawagan mula sa publiko at mga transparency advocates na ilabas ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Pangulong Marcos Jr., nanindigan ang Malacañang na dapat itong dumaan sa masusing proseso.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi maaaring basta-basta ibigay sa publiko ang SALN ng Pangulo o ng sinumang opisyal ng gobyerno dahil ito ay naglalaman ng mga sensitibong detalye na maaaring magdulot ng panganib.
“Hindi natin maaaring basta payagan ang walang-habas na pag-access sa mga SALN. Tandaan na naglalaman ito ng mga detalye na maaaring makapahamak sa seguridad at kaligtasan ng mga opisyal ng gobyerno.”
(“We cannot just allow the indiscriminate freedom to access these SALNs. You must all take note that the SALN contains many details that might compromise the security, safety of public officials concerned.”)
Dagdag pa ni Bersamin, may umiiral na mga patakaran na kailangang sundin bago maibigay ang kopya ng SALN — at dapat ay may “mabigat na dahilan” ang sinumang humihiling nito.
Gayunman, nananatiling mainit ang usapan sa publiko dahil ilang beses nang nanawagan ang mga grupo ng civil society at good governance advocates na ipalabas rin ni Marcos Jr. ang kanyang SALN — isang hakbang na, ayon sa kanila, magpapatunay ng tunay na transparency at pananagutan sa pamahalaan.
#SenateHearing #Marcos #VPSaraDuterte #Duterte #AngBalitaNgayon
