AFTERMATH OF CORRUPTION AND TYPHOON TINO
Ang Balita Ngayon
CONG. KIKO BARZAGA NANAWAGANG HUMIWALAY NA RIN ANG VISAYAS
Umani ng matinding reaksyon sa publiko ang matapang na pahayag ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga, matapos niyang ipanawagan ang pagbuo ng isang “Republic of Visayas and Mindanao” — isang ideyang nag-ugat sa matinding galit at pagkadismaya sa umano’y katiwalian ng administrasyong Marcos Jr.
Sa kanyang video statement, mariing sinabi ni Barzaga:
“Mga kababayan ko, ang korapsyon ang pum*tay sa mga taga-Cebu.”
(“My fellow citizens, corruption has kiIIed the people of Cebu.”)
Ayon sa kanya, ang pambansang pamahalaan ay labis nang nagnanakaw — hindi lamang ng pera, kundi maging ng buhay at kinabukasan ng mamamayan.
“Ang pambansang pamahalaan ay labis nang nagnanakaw sa taumbayan. Noong una, pera at dangal lang ng bansa ang kanilang ninanakaw, ngunit ngayon… mismong buhay ng mamamayan ang kinukuha ng mga tiwaling politiko.”
(“The national government has stolen too much from the people. First it was only money and our national pride, but now… our corrupt politicians are directly taking human lives as well.”)
Sa gitna ng patuloy na pagbaha at kawalan ng agarang aksyon ng pamahalaan matapos ang Bagyong Tino, nagbitaw si Barzaga ng pahayag na umalingawngaw online:
“Wala nang pag-asa sa administrasyong Marcos. Ninanakawan at nagpaparty ang ating Pangulo habang nagdurusa at nalulunod ang mga mamamayan.”
(“There is no more hope for the Marcos administration. Our president steals and parties while our citizens suffer and drown.”)
Kasunod nito, nanawagan siya ng pagkakaisa ng Cebu, Visayas, at Mindanao upang itatag umano ang isang malayang pamahalaan —
“Ako’y nananawagan sa mga mamamayan ng Cebu at sa buong Visayas na makiisa sa ating panawagan na humiwalay… Sa halip, tayo’y bumuo ng isang malayang pamahalaang tunay na naglilingkod sa taumbayan.”
(“I will call upon the people of Cebu and the rest of Visayas to join our calls for secession… Let us instead create an independent government that truly acts in service to the people.”)
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe,
“Pagpalain nawa ng Diyos ang Luzon, at pagpalain din ang Republika ng Visayas at Mindanao.”
(“God bless Luzon, and God bless the Republic of Visayas and Mindanao.”)
#KikoBarzaga #Cebu #Marcos #Duterte #AngBalitaNgayonFB
