BAHAY, BUHAY AT PANGANIB

By Duoi Ampilan
5 November 2025


Planuhin nang maayos at maging mabusisi kung pipili ng lugar na titirhan. Magkaroon ng pag-analisa ng mga panganib tulad ng kalamidad lindol, baha, landslide, sunog, kaguluhan, atbpa. 

May mga panganib na mahirapan tayong magkontrol. May panganib naman na nailalagay natin ang sarili o pamilya sa mataas na peligro tulad na location ng ating bahay sa mga bantang panganib. May panganib na maaaring maoababa natin ang ating peligro na maging biktima o mabawasan ang epekto sa ating buhay.

🟠 Alamin ang mga hazards o panganib sa lugar na napili o pipiliin.

🟠 Kailangan ay hindi malapit sa daanan ng baha, tubig, ilog, tabing dagat, landslide area, bangin, atbpa. Alamin ang mga nakaraang major events sa lugar sa mga nakalipas na panahon.

🟠 Humanap ng lugar na hindi babahain kahit tataas ang tubig, na hindi maapektuhan ng landslide, sunog at malayo sa fault lines ng lindol.

🟠 Kung ang panganib na nakikita o ayon sa historical background ng lugar ay hindi mababawasan sa pag-iingat, paghahanda at iba pang plano, mas mabuti na humanap ng ibang lugar. 

🟠 Sundin ang tagubilin ng mga ahensya, opisina at LGUs tungkol sa kalamidad, pag-iiwas at mga tamang gawin sa panahun ng sakuna.

🟢 Mas maigi ang nakahanda kaysa mabulaga. Mas mabuti na ang umiwas kaysa mapahamak.

Popular posts from this blog

COCOY LAUREL'S GIFT TO NORA AUNOR

THE FALL

INDAY SARA IN MELBOURNE