Posts

Showing posts from June, 2023

PRESIDENT DUTERTE IS A DESCENDANT OF KING DAVID, THE PSALMIST?

Image
Repost from JVDancel-Occena 13 June 2020 Repost  JV Dancel Occeña If you think genealogy plays no part in destiny.. And a pilot he became, of a 100m-strong Ophirian nation.. PRESIDENT DUTERTE IS A DESCENDANT OF KING DAVID, THE PSALMIST? By: Boy Blue His Excellency President Rodrigo Abad Laurel Veloso Gonzales Roa Duterte. My complete name, Aldo Veloso Duterte Gonzales Abad Laurel Pailagao Filomeno. The President’s parents were both members of the royal family of Barili, Cebu: Danao Mayor and Davao Governor Vicente Abad Laurel Veloso Gonzales Duterte, married to Dona Soledad Gonzales Roa Duterte. My dear parents were Wilfredo Veloso Gonzales Duterte Abad Laurel Filomeno, married to Concordia Valdehueza Pailagao Filomeno, a great granddaughter of Tablon, Cagayan de Oro City’s Cabeza de Barangay Engracio Pailagao. My mother, is a cousin of Vicente Emano, political kingpin from Tagoloan, Misamis Oriental, who rose to become Governor and Mayor of Cagayan de Oro City. Our great grandparents

HINGA

Image
Tula ni Stefanie Dancel "Hinga" Kawangis ng buwan  Nais ko ring matakpan  Itong nararamdaman  Kahit alam kong panandalian Sa mga sandaling ito Na maaring huminto  Sa magulong mundo  At sa pagod na puso Nawa'y ako'y sakluban At yakapin sa kanlungan  Nang walang pag aalinlangan  At may katahimikan.  ®Stefanie Dancel • 11:57pm | 06.06.23 | Jerusalem City, Israel Comment Magpahinga at huwag hihinto. Pawiin ang pagod, mag-isip ng matino.  Ang buhay ay tuloy sa paggulong nito.  Harapin nang may pag-asa sa puso. © Cherrie Facun Dancel  7 June 2023

PAG-IBIG, HIMIG

Image
Tula ni Leah C Dancel PAG-IBIG, HIMIG Tula at musika Pinag-isa sa dambana ng Pag-ibig, Himig. Himig at tunog Pinagtugma din sa Tula Sa indayog ng tugtog ng gitara,  Cello at piano. Ang malamyos na tinig Ni Rene ay pumaimbulog Sa kasaysayang kanyang minimithi Kasaysayan ng kanyang pag-ibig Na itinugon naman ni Rado Sa kanyang walang kupas Na pagmamahal sa Inang Bayan. Tula at Musika Himig at Tinig Tunog at Tugtog Pinagbigkis sa iisang indayog Ng katapatan at kagitingan. Kami ang mga saksi sa  Pusong tumitibok Nagmamahal na walang katapusan. Pag-ibig, Himig. ©Leah C Dancel Copyright ©4 June 2023 All rights reserved SH-AUSTRALIA  Photo courtesy by Rado Gatchalian

SA KABUKIRAN

Image
Akda ni Duoi Ampilan 2 June 2023 (Yemen) SA KABUKIRAN Malamig ang simoy ng hangin. Musika ang tunog ng kalikasan. Sariwa ang gulay, prutas at isda. Payak ang pamumuhay subalit mayaman sa ligaya ang puso ng tagabukid. Mababaw ang kaligahayan. Maski tinapay at biskwit na pasalubong mula sa kabayanan at lungsod ay isang pagdiriwang na. May malasakit ang bawat isa. Bawat balita ay nalalaman ng buong nayon. Buhay na buhay ang pagtutulungan at damayan.  Sa paglubog ng araw ay binabalot ng pansamantalang kadiliman ang paligid. Ang buwan ay nagiging tanglaw sa mapayapang gabi. Ang damdamin ay idinuduyan sa saliw ng lawiswis ng dahon at tunog ng mga kulisap.  Sa pagputok ng bukang-liwayway ay gumigising ang katawang lupa sa tilaok ng manok at huni ng ibon.