IKAW
Tula ni Rado Gatchalian Ikaw, Minamahal Kong Pilipinas The FILOsopher The Philippine Community Herald Newspaper October 2023 Edition IKAW Ni Rado Gatchalian Ikaw ang ugat ng lahat sa akin At kung di man makamit Ang pangarap at mithiin, Hindi mahalaga ang bungang ito Kung ikaw sa akin ay maglaho. Mahal kita di lang dahil kaw ang tibok ng puso Kundi kabiyak ng nag-iisa kong buhay dito sa mundo, At kung lilisanin ko man ang nanlulumong daigdig, Ikaw at ikaw - ngayon at bukas ang kapiling, Hahanapin kita sa kabilang buhay man, Ang pag-ibig na ang ugat ay ikaw lamang, Tulad ng batis na nanunuyo kung saan mo ko dadalhin, Maghihintay sa iyo sa umaga o gabing nananabik, Ako’y isang irog na sisilip-silip sa mga bituin At doo’y aking ihahandog ang walang kamatayang halik. MINAMAHAL KONG PILIPINAS Ni Rado Gatchalian Sa iyong palad hinaplos ang kaibuturan ng aking puso, Maging aking kaluluwa’y humihiling ng iyong kalinga’t pagmamahal, Hinahanap ko ang ligaya sa iyong kabundukan, ilog, at mga...