Posts

Showing posts from February, 2024

ENGKANTO SA BAHAY KUBO

Image
Hiram na larawan Credit to the Owner  ENGKANTO SA BAHAY KUBO Tula ni Jeremiah Chavez Eufemio   minahal kita ng higit sa lahat minahal kita, ngunit hindi pala sapat nagbago ang panlasa mo, ako ay nagulat sa katotohanang silahis ka, ako ay namulat dati sabi mo, hanggang sa dulo ay tayo ngunit ako ay pinagpalit mo sa engkanto tila baga ikaw ay nagayuma ng halimuyak nyang puno ng lansa ngayon sa buhay ko ay wala ka na sana ang puso ko ay mapuno ulit ng sigla ngunit sa ngayon ang panyo ko ay basa pa puno ng mga luha dulot ng puso mong pambihira pambhirang buhay to, bakit ba nagkaganito? ang taong mahal ko ay hindi nakuntento pechay ang hain ko, talong naman ang gusto! kumain ng gulay sa kabilang bahay kubo...

IKALAWANG UNANG NGITIAN

Tula ni Jeremiah Chavez Eufemio Ikalawang Unang Ngitian (2008) Kaibigan, saan ka patungo? Pag hinto ba ng hakbang mo ay magkikita pa din ba tayo? Sa gilid ng Carriedo ay di ko na matanaw ang tindahan ng sapatos na tagpuan natin noong araw Kailangan ka nagsimula makalimot mag basa? Kailan mo naalala magsabi ng ‘mama para’ Ako ay natulala nang makita ko ang iyong mukha Ngunit sa iyong mga mata ako’y wala na sa gunita Di mo naman nakaligtaan ang ating sumpaan Na muli tayong magkikita sa ating tagpuan Iyo mang nalimutan na ako ang iyong katipan Nawa ay maalala sa ikalawang unang ngitian Sent 15 February 2024

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

Image
Tula ni Jeremiah Chavez Eufemio DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN Sa lagaslas ng dalampasigan  Doon ko natagpuan ang kapayapaan Hatid ng hampas ng mga alon At banayad na init ng dapit hapon. Sa mga puting buhangin ng Panubigan Doon ko natagpuan ang karangalan Sa matapat na araw ng pangingisda Nang dumaong ang kanilang bangka sa dalampasigan Salat man sa karangyaan ng modernong pamumuhay Sagana naman sa kasiyahan at kapayapaan Kay gandang pagmasdan, kay sarap balikan Ang dalampasigan sa Panubigan. Copyright @Jeremiah Chavez Eufemio  (2021) Sent 15 February 2024