NANG SUMUKO ANG ULAP
Tula ni Jeffrey Cejero Nang Sumuko ang Ulap ni Jepoy Dati, maaliwalas aking kalangitan Nagniningning mga bituin at buwan Sa paligid, ramdam ang kapayapaan Kaligayan hatid ng buong sanlibutan Ngunit nang lumisan ang amihan At pag-asa'y lumubog sa kanluran Nawala ang init at bumigat ang pakiramdam Hanggang binalot ako ng lamig at kadiliman Nang namuo ang kidlat, ito na ba aking katapusan? Napapahikbi, napapahiyaw, tanging kulog aking panawagan Hanggang kailan ako lalaban? Kung lahat sakin, tanging kabiguan Paligid naging tahimik tulad ng iyong paglisan Lamig at bigat aking mga pasan Walang magagawa kundi maging luhaan Isinuko ang lahat kahit ang natitira kong kahinaan Nilunod ang sarili sa kalungkutan Bulong ng hangin, hatid ay kawalan At patak ng luha ko'y tila walang katapusan Umiiyak, naghihinagpis... handa ng isuko ang aking laban Pagdaloy ng panahon, di ko namalayan. Sa aking pagsuko, gumaan ang pakiramdam Bumalik ang init at lumiwanag ang kalangitan Pati mga bituin, naka-ib...