MAY PAGKAIN AT KITA SA LUPA
Lifted from Duoi Ampilan
May Pagkain at Kita sa Lupa
Kung may lupang sinasaka, pagyamanin. Sa sipag, tiyaga at pagiging madiskarte, hindi ka magugutom kung may lupa ka kahit maliit lamang.
Tulad ni Manong, may lupa na nasa 800 square meters lang. Dahil senior citizen na, pagtatanim ng gulay ang kinakaya niya. Dahil sa sipag at adhikain na di magutom, nagtatanim siya.
Hindi naman siya binibigo ng lupa dahil bukod sa may pagkain, minus pa ang gastos at kumikita pa siya.
Sa buhay, wala tayong dapat ikahiya kahit maliit lang tingnan ang hanapbuhay basta galing sa mabuting paraan.