Posts

Showing posts from February, 2022

Gabing kabilugan ng buwan....

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon      Ika'y liwanag ng kalangitan sa gabing tahimik , nagsisilbing inspirasyon ng mga tao sa daigdig , bigay mo ay ligaya na walang sukat at kapalit , ohh buwan sakbibi ka ng mga hiwaga ng pag-ibig      Pag-ibig nadarama ng sangkatauhan sa mundo, walang kasing ganda tunay itong hindi mapaglilo, katulad mo Buwan sa itaas ng kalangitan, liwanag hindi kumukupas magpa kaylanman pa man      Kabilugan ng buwan nagkakasayahan ang lahat, mga binata't dalaga namamasyal lahat sa parang, walang mapagsidlan ang kanilang katuwaang ramdam,  ganyan ang ligayang nararamdaman na walang sukat      Magandang panaginip ang kanyang ipapahiwatig, sa natutulog na magkasuyo at nagmamahalan, buwan ang sinag na bigay mo ay inspirasyon ng isipan, kabilugan ng buwan, bigay' ligaya sa umiibig Buwan, huwag mong ipagkakait yaring ganda't liwanag, lalo na sa mga desperadong binata't dilag, ikaw din ang kaligayahan ng mga taong salát, bigyan sila ng kaligayahan at

DIYOS ang GABAY

Image
Tula Ni Rebecca Tarog Adjie Canon Maraming unos na ang dumaan sa buong buhay ko Halos hindi mabatá ng katawang naghihingalo Ako'y nagtatanong, ganito ba ang palad ko ? Ang bawat pintig ba ng puso ko'y siphayo? Mga pagsubok at paghihirap ay mula pa nang isilang Lumaking salat halos sa lahat ng mga bagay Nanggaling sa mga mahihirap na magulang  Ngunit may tanging kayamanan, ang aming dangal Anumang kahirapan palaging nananampalataya DIYOS ang may gusto ito'y mga pagsubok NIYA Kailangan sa TAO ang TAPANG ng bawat isa Nang malaman NIYA ang mga marunong bumatá Anumang kahirapa'y may katumbas na ligaya Ang bukas na darating ang kakamtin ay sagana Ang daang matinik at madilim ay liliwanag talaga Ito ang KANYANG pangako, ITATAAS kita !! Bagyo ma'y dumaan, bahaghari ay lilitaw Ito'y tanda ng liwanag na aking makakamtan Ang gawang kabutihan ay gagantimpalaan Ang MASAGANANG buhay ang kapalit ng KAHIRAPAN Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines February 27, 2022 OAP#4 Poetry Chal

MAHALIN NATIN ANG PILIPINAS

Image
By Rado Gatchalian MAHALIN NATIN ANG PILIPINAS ni Rado Gatchalian Kung ang panahon ma’y nagpapaalam At nais lisanin ang lupang iyong sabsaban; Hinahanap mo ang ginto’t pilak Sa banyagang lupang pinapangarap. Subalit may pakiusap ang Inang Bayan Sa iyong paglisang humihingi ng patawad, Ikaw man ay mawalay sa bayang luntian At doon sa malayong lugar ay bubuuin ang yaman: Huwag mong kalimutan ang bayang pinagmulan, Mahalin mo ang Pilipinas, ating Pinakamamahal. At kung ang iyong kaluluwa’y naliligaw Sa isang paglalakbay na walang liwanag — Subukan mong yakaping muli ang Araw At ang Tatlong Bituing nagniningning sa kalawakan; Hawakan mo ang nag-iisang sinumpaang pag-ibig At kahit nasaan man nasa puso mo ang Bayang Magiliw. (Photography by: Marjune Provido. Maraming salamat! Taken at Canberra, capital of Australia, 19 February 2022)

Buwan ng Pag-ibig Ni Jeffrey Cejero

Image
By permission Ni Ginoong Jeffrey D Cejero Lahat ay pawang imahinasyon! Entry ko for Valentine's Day 😅🤣 #ProsePoetry Mahal kong Buwan,         Sa buwan ng aking buhay, binabati kita ng ngiti ng araw- maliwanag at mainit!          Ang gabi ko dati'y nababalutan ng dilim, pait at lamig. Ang halimuyak ng dama de noche sa gabi ay mga kadamuhang natuyo sa tigang na lupa sa kahihintay sa pangako ng ulan. Ako'y isang "yang" na hinihintay ang kukumpleto sa akin. Ako'y bola ng apoy sa kalangitan ngunit ramdam ko ang aking kakulangan. Kailan mabubuo ang buhay ko? Kailan darating ang panahon na tayo'y magsasama?          Ang ating pagmamahalan ay mga kulog at kidlat na nagbabadya ng kadiliman kung ito'y matutuloy. Ngunit, tutol man ang langit, ramdam ko pa rin ang bawat haplos mo sa aking puso na nagbibigay ng katatagan para ako'y patuloy na maniwala sa ating pagmamahalan.           Paliguan mo ako ng iyong malagintong liwanag na tanging kasagutan para ang b

Maynila

Image
From Pinoy History Maynila SAAN PINANGALAN ANG MAYNILA? Ang Nila ay mula sa salitang Ancient Indian o Hindu na ang ibig sabihin ay kulay 'Indigo'. bago pa dumating ang mga kastila, ang mga Hindu-Malay na ang mga nakatira sa Maynila noon. Sa panahong iyon, Bayan ng Seludong ang tawag dito.  Salitang Nila' ay kinilala bilang tagalog na salita ng dumating na ang Espanyol, 'May Nila' o kung isasalin mo sa tagalog ay 'Lugar kung saan may Indigo', 'Indigo' na kulay. Ang Indigong Kulay (bluish-purple colour) na tinutukoy ay mula sa mga halamang nasa baybayin na nakatanim noon sa kalupaan o baybayin ng dating Maynila, Ang mga halamang ito ang pinanggagalingan ng kulay Indigo na ginagawang pangulay (dye extract) ng tela na syang ginagawang kurtina, damit, at marami pang iba noong panahong iyon.  Malayo ito sa alam ng karamihan na sa halamang Nilad sa pangpang pinangalan ang Maynila. SOURCE: Philippine Quarterly of Culture and Society Vol. 3, No. 1 (MARCH 1