11 December 2024 Rep. Marcoleta, binira ang House members; kinuwestyon ang COA Pinatutsadahan ni SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta ang mga kapwa niya kongresista na pinakikialaman ang proseso ng Commission on Audit patungkol sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte. Kanya rin na pinagsabihan ang COA na dapat ay sumunod sa kanilang mandato at huwag pumayag na magpa-under sa ibang ahensya ng gobyerno. "‘Yung pag-audit, ‘yung pag-e-examine ng mga papel, ng mga reports about public expenditures, ito po ay trabaho ng COA. There is no other office mandated to audit and examine the expenditure of public funds, only the Commission on Audit," pahayag ni Rep. Marcoleta. "Sabi ko, bakit po natin ginagawa ang trabaho ng COA? Kayo naman, Commission on Audit, bakit ninyo sinurender ang inyong tungkulin? May problema dito, sabi ko, nilalabag natin ang Saligang Batas," dagdag pa niya.