UGALI NG TAO
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon Ugali ng Tao Ugali ng tao'y nakikita sa salita't gawâ Sabihin mang siya'y magaling at maunawâ Sa kanyang kilos malalaman ang saloobin Kilos ng mga mata malalaman ang damdamin Tao'y makikilala sa mga salitang ginagamit Lalo't makikilala rin sa kanyang pananamit Sa kilos na magaslaw malalamang tunay Ang nasa loob ng isipan ang mga bagay Sa pakikiharap sa tao'y malalaman ang totoo Kung kaharap mo'y may ugaling may modo Makikita sa kanyang kilos kung balat-kayo Siya ung taong dapat iwasang makihalubilo Ugaling makatarungan ay walang pinipili Anumang klaseng tao at hindi man kauri Pakisamahan nang naaayon sa antas na ari Mahirap man o mayaman dapat ikandili Ang matalino ay wala sa mataas na aral Ang Edukasyon ay halimbawang nagpapagal Nagpapagal upang makamtan ang tagumpay Mabuting ugali ang puhunang dapat ibigay Sa tagumpay na nakamit ikaw ay lumingon Sa daang dinaanan na matinik ika'y umahon Mga taong nagsilbing maging insp...