Posts

Showing posts from March, 2022

Quote Misrepresented

#Pag may time The problem with this 'quote' is that it is not complete ~ not the whole saying of George Santayana (American philosopher). The whole thing that Santayana said is this:   "Progress, far from consisting in change, depends on retentiveness. When change is absolute there remains no being to improve and no direction is set for possible improvement: and when experience is not retained, as among savages, infancy is perpetual. Those who cannot remember the past are condemned to repeat it."   Note that there is an emphasis on retentiveness. Ms. Angel Locsin emphasizes change (i.e., the overthrow of the Marcos regime, and the pursuit of "change" that is without direction or purpose, but just in keeping with their liberal mindset, caprices and whims). They abhor everything Marcos (i.e., do not retain anything from the Marcos regime ~ only that they have overcome and "changed" it to what they want: "freedom and democracy"). What they r

SINIGANG

Image
Tula ni Jepoy Sinigang jepoy Sinigang na tinimpla, Init nagpapalasa. Bawat higop ay saya, Sabik kita sa mata. Asim nakakikilig, Pamawi sa ligalig. Malagkit na pagtitig, Pag-alab pumipintig. Ngunit anong nangyari? Luto'y di na mawari. Nawala, nagkunwari Ibalik na sa dati. Sinigang walang init, Asim na naiwaglit. Ibalik nang may pilit, Sikmurang sumasakit. Labing iniwang tuyo Sa sinigang na yelo. Naghihintay sa iyo Upang muling magluto. © Jeffrey Cejero Hapag Natin at Marami pang iba

NAGISING NA DIWA

Image
Tula Ni Leah C Dancel NAGISING NA DIWA Sa duyan ng gabing may lungkot at lumbay; Kapiling ko'y sawing damdaming matamlay. Hirap walang turing sa aba kong buhay; Ni walang katiting  sa iyong tagumpay. Pusong nahumaling sa ganda mong taglay; Sana'y marapatin pag-ibig kong tunay. Ang aking hinaing ay nakasalalay; Sa iyong mabuting pusong mapagbigay. Siphayong naangkin aking inihimlay. Sa altar ng piging ng irog kong tunay. Ako ay ginising ng Bukang Liwayway; Ikaw ang kapiling sa mundong makulay. ©Leah C. Dancel Copyright ©March 15, 2022 All rights reserved #Bukang_Liwayway

PAGKAKAISA NG MGA KULAY

Image
Tula Ni Jeffrey Cejero Pagkakaisa ng mga Kulay Dinig mo ba ang pag-iyak ng ating ina? Ramdam mo ba ang sakit na kanyang nadarama? Nakita mo na ba ang puso niyang durog? Lahat ng mga ito’y di mo batid, dahil ika’y tulog Ikaw apoy, taglay mo ang liwanag at init Ikaw rosas, ganda mo’y hulog ng langit Ikaw tubig, biyaya mo’y nag-uumapaw Ikaw dahon, lagi kang binabati ng araw Muntik ko pang makalimutan, ikaw na ginto Hindi lang ikaw ang yaman at paborito Kung ika’y apoy, rosas, ginto, tubig, dahon O lupa na tulad ko, tayo’y dapat bumangon Huwag na nating hintayin ang isang unos Para tayo’y magkaisa at umayos Huwag na nating hintayin ang isang ulan Para ang bahaghari, tayo’y kanyang samahan Pagkakaisa’t pagmamahal, tanging ngiti ni ina Kahit walang bagyo, mga kulay dapat nagkakaisa. Ang bahaghari, lagi lang ito sa ating puso Dahil iisa ang ating pinagmulan, iisa ang ating dugo.

ODA Sa Bulaklak

Image
Tula ni Jhake Morales Oda sa bulaklak at kanyang mapusyaw na halina Ni Jhake morales Iwagayway mo ang kulay ng bandila Tangan niyang kulay di hamak na dakila Kaysa sa tinik ng mapusyaw na adhika At talulot na hungkag ang ganda. Ang halamang dinilig ng galit Mamumunga ng kay pait Mata'y di mapupukaw anumang 'yong pilit Tingkad ng kulay dugo'y labis na kaakit-akit. Muling mamumukadkad ang kadakilaan Sa timyas na layuning pang bayan Siyang sumisigaw ng pagkakaisa't pagkakaunawaan Maririnig ng karamiha't paniniwalaan. Bulag na ang mata sa huwad na  rikit, Sa ika nga nila'y malinis, ngunit sa kanila lamang mga suot na damit Sa tuwid na daan na lumigaw sa bayan Animo'y manggang  dilaw na hinog  ang labas, maasim naman ang laman. Bingi na ang taenga sa sigawan Ng mga tinuran na ANAK DAW NG BAYAN, mga kunwaring MAKABAYAN Na ang interes ay pansarili LAMANG. Kung ang paaralan ang siyang maging punlaan Ng pakikibaka at pag-aalsa sa bayan Tagpasin ang damo't ipamu

ROMANTIKONG PANG-AAKIT

Image
Tula ni Novhein Carl Deposa Romantikong pang-aakit Masyado na tayong makabago  kaya nakalilimutan ang makaluma, Marami na ang pagbabago  pati sa pag-ibig na kay bilis nalang makuha. Ni hindi na kailangang sumulat sa papel para ipahayag ang pagmamahal, Ni hindi na kailangang magsibak ng kahoy—sa magulang magtanghal.   Bihira na rin ang lalaking pupunta sa tahanan ng babae habang may bitbit na gitara, Hindi na kumakatok sa pintuan ngunit nag-aabang nalang sa bintana— Kukuskusin ang instrumento’t mag-uumpisa na sa panghaharana, Aakitin ang babae gamit ang kantang nagsasabing “Binibini, mahal kita.” Aawit nang naka-iibig at mapang-akit na kanta, Yaong animo’y kukuhanin ang ibig ng Binibining kay ganda, Wala na gaanong ganyang nangyayari at tanging naririnig na lamang sa kuwento ng matatanda— Wala nang nanghaharanang binata para makuha ang ninanais nilang Maria Clara. —🐥💚 cttro sa larawan. Source: FPB/FB

The Tejeros Convention

Image
Lifted from Derrick C. Macutay THE TEJEROS CONVENTION     On March 22, 1897, a convention was held in Tejeros in order to settle the dispute between the two councils and to decide on what type of government should be installed.  During the early phase of the convention the crowd became unruly, causing a recess.  When the convention resumed, Bonifacio was assigned to preside in the election of the officers of the new government that was to be set up.  Before this, however, Bonifacio laid down the rule that the assembly should respect whatever would be the outcome of the election.      When Bonifacio was elected Secretary of Interior, Daniel Tirona contested and argued that a lawyer should handle the position.  Bonifacio felt insulted and demanded an apology from Tirona. When Tirona tried to leave instead, Bonifacio drew his pistol and was about to shoot him but was disarmed by Gen. Ricarte.Because of humiliation and anger, Bonifacio declared that all matters convened in the Tejeros Conv

NAGISING NA DIWA

Tula Ni Leah C Dancel NAGISING NA DIWA Sa duyan ng gabing may lungkot at lumbay; Kapiling ko'y sawing damdaming matamlay. Hirap walang turing sa aba kong buhay; Ni walang katiting  sa iyong tagumpay. Pusong nahumaling sa ganda mong taglay; Sana'y marapatin pag-ibig kong tunay. Ang aking hinaing ay nakasalalay; Sa iyong mabuting pusong mapagbigay. Siphayong naangkin aking inihimlay. Sa altar ng piging ng irog kong tunay. Mata'y nakatingin Sa mundong makulay. Ako ay ginising Ng bukang liwayway. ©Leah C. Dancel Copyright ©March 15, 2022 All rights reserved #Bukang_Liwayway #abab

HUMAN LIFE

Lifted from Caloy Bueno Why is the world so corrupted now? Greed for material comforts is so out of control . . .   And so is stupidity.   Even religious faith can't be trusted anymore to forsake the material for the spiritual values. Journalism, supposedly the last bastion of truth, has already been so debased by corruption and the pursuit of material and/or popular advancement without scruples or morals. Government is even worse ~ politics have become the absolute pits of human depravity.   And the home ~ the 'first (and ultimate) frontier' of basic human development toward an enlightened society of mankind, is so distracted or pulled in so many directions simultaneously that no one can really cope ~ thus resorting to that most common fallback: the path of least resistance (or the easiest/most convenient ways) to resolving the confusing tangles of problems assaulting the home/family at all fronts (social, economic, cultural, political, religious, scientific/technical, etc
Tula Ni Frandres Irean KUNG DISIN SANA Kung ang mga tula ko lamang ay isang MAHIKA, Napawi ko na sana dusang tinatamasa, Kung ang mga tula ko lamang ay isang LAMPARA, Madilim na landas tinanglawan ko na sana, Kung ang tula ko lamang ay bungkos ng PAG-ASA, Ididilig ko sa lupa isang dakot na LIGAYA, Kung ang mga tula ko lamang ay kumpol ng SAYA, Sa labing humihikbi NGITI'Y aking ipipinta. Kung ang mga tula ko lamang ay isang TULAY, Paglalapitin ko mga damdaming pinaglayo ng AWAY. Kung ang mga tula ko lamang ay isang KAMAY, Hahaplusin at papayapain puso mong may LUMBAY. Kung ang mga tula ko lamang ay isang KUMOT, Babalutin ko ang sa lamig ay NAMAMALUKTOT, Irean Frandres Apo Makata _____________________________________ PINAGPALA..... Ang iyong tula ay tunay. Nakakapawi ng lumbay. Mayroong saysay. Nagbibigay ng patnubay. Aanhin mo ang tulang hindi galing sa puso. Kung lalo lamang titindi ang iyong siphayo. Tula mong kapag pinakinggan. Parang tulang galing sa kalangitan. Ipagpatuloy mo a

ANAK NG MAGSASAKA

Image
Tula Ni Duoi Ampilan Anak ng Magsasaka Nagtapos ng isang kurso sa isang unibersidad sa Davao City. Hinanap ang kapalaran sa Manila. Nahalina sa kariktan ng buhay sa lungsod. Dumating ang pandemya. Bagaman nakahanap ng trabaho sa Manila, pinili niyang umuwi ng Maguindanao upang balikan ang Tinubuang Lupa. Sa lahat ng pagsubok sa buhay at pamilya, hindi siya nagpatinag. Hindi nawalan ng pag-asa. Hindi yumuko sa hamon ng buhay. Niyakap muli ang buhay sa bukid. Isang payak na pamumuhay. Malayo sa karangyaan ng buhay sa Davao at Manila. Sa pagsibol ng araw hanggang sa paglubog nito sa kanluran, buong sipag niyang kapiling ang sakahan. Simpleng buhay. Malayo sa modernong kabihasnan. Tahimik. May laya. Bagaman mabagal at simple, hindi salat sa ligaya. Namumuhunan siya sa lupa gamit ang tiyaga, sipag at sampung kabutihan.  Maliban sa mais at palay, nagsimula na rin siyang matanim ng mga punong namumunga tulad ng durian, marang, rambutan, mangosteen at mangga.  Siya si Adan. Anak ng Magsasaka.

BABAE

Image
Tula Ni Frandres Irean HAPPY INTERNATIONAL WOMEN'S DAY sa dalawang MOTHER EAGLE ng aking puso sa mundo ng mga letra💙 BABAE Hinugot, hinulma mula sa tadyang ni Adan, Dinadambana ng eskultor at ng pintor, musikero'y inaawitan, Nililiyag ng mga makata pinapaksa ng mga tula at inaalayan, Itinuturing na reyna at prinsesa sa munting kaharian, Karamay sa hirap at ginhawa ilaw ng tahanan, Kapara ng kristal iniingatang hindi malalamatan, Dalisay ang pag-ibig hindi mapapantayan, Alang-alang sa minamahal handang magtiis 'di matatawaran. #InternationalWomensDay #FilipinoPoetsinBlossoms #March8,2022