Posts

Showing posts from December, 2021

Tatlong Bayan ng Kawayan

Image
Lifted from Throwback Filipinas By Tom Ong December 28, 2021 Tatlong Bayan ng Kawayan Ang Tatlong Bayan ng Kawayan ay ang Malabon, Meycauayan, at Bocaue. Magkakapit bayan ang tatlong bayan na ito. Ang Malabon ay mula sa Labong na ugat ng kawayan. Ang Meycauayan ay literal na kawayanan  sa lugar. Ang Bocaue ang tawag sa mga maliit o mapayat na kawayan. Sa tatlong bayang ito bumibili ng mga kawayan para gawing bahay kubo noong unang panahon ang taga Maynila. Source: FB

MIGHTY EMOTIONS

By Melany Amante Mabao Maguindanao When strong billows of mighty emotions roll up your chest and got stucked in your throat, it unlocked the powerful floodgates causing your tears to flow down like a thousand streams... inundating the valleys, drowning your hopes, capsizing your dreams.  When your spirit took the plunge in the ocean of deep sorrows...  When frustrations are pushing you down... your whole body feels heavy from the weight of your fears. When both your feet are tied with the bitterness from the shackles of your indifference... your energy plummets at a remarkable speed. When you feel you cannot breath and you are about to suffocate... darkness surrounds you and death is trying to engulf you. Suddenly, in your narrowing tunnel vision... a faint flicker of light muddles through the darkness. You focused on it... and slowly through the vast darkness... the lights grow stronger and stronger... and then, it reaches you!  The overwhelming brightness is now blinding and that'

LOLA

Image
Si Lola at ang aking paboritong laruan Ni: Jhake Morales Sa aking paglalakad kasama ang aking lola Bumababalik kanyang bawat alaala Sa mga nakaraan niyang istorya May malungkot, mayroon ding masaya Sa di kalayua'y may natanaw kaming nagtatakbuhan Natabig bigla ang bitbit kong paboritong laruan Ito'y tumilapo't sumawsaw sa putikan Dumausdos sa butas na may kalaliman At noong akma kong abuti't hawaka'y   Hinawi ni lola ang aking kamay Marumi na iya't papabili nalang  daw kay inay. Apo ,sa buhay may nawawala talaga Mga bagay na hindi sa iyo nakatadhana Kung pipilitin mong kunin, baka masugat ka Kung pipiliting kuhai'y marurumihan pa Kung matigas ang ulo'y mapapahamak ka. Tinago ko sa ngiti ang aking kalungkutan Binagtas namin ang matarik na daan Nang biglang si lola'y natisod at nahulog sa kanal At noong inabot nya sa akin ang kanyang kamay Ako'y nag wika... Lola ,sa buhay may nawawala talaga Mga bagay na hindi sa iyo nakatadhana Kung pipilitin mong
Image
Tula ni Jhake Dahan-dahan ay tinatapos ko ang libro na pangarap ko na mailimbag at maibahagi sa iba. Narito ang pasilip sa kung anong mga klase ng tula ang aking ipapakita sa aklat na ito. Ang tulang ito ay patungkol sa aking inang pumanaw matapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na breast cancer ilang taon narin ang lumipas. Maraming salamat FPB! "Ang huling oyayi sa tagsibol" Ni Jhake Morales ©Dec 06 2021 caloocan Metro Manila May taglagas sa kanyang ulohan Tagtuyot ang pag-asang namamaalam Sa sintido, sa puso'y nakatarak na'ng karit ni kamatayan Tag-ulan ng sakit sa matang Malamlam. Tagtuyot ang balat niyang latang-lata Taglagas ang mga bulsang walang-wala Tag-init sa dasalang laksa-laksa Taglamig ang palad na sa kaba'y pigang-piga. Apat na taon ang pakikipaglaban Mga panaho'y rumagasa't dumaan walang katapusan ang gamutan Walang humpay ang katatagan At sumapit na ang tagsibol Umusbong na'ng takot , sa isipay sumisipol At huling oyayi ni ina'

TSINELAS

Image
Tula ni Frandres Irean TSINELAS Piping saksi ang pares ng tsinelas kong spartan, Sa malubak na daang aking nilalakaran, Ang butas na sapin at pananggalang, Sa bawat tinik na sa paglalakbay ay hahadlang, Sa bawat hakbang bitbit ko ang pangarap, Malugmok man sa dusa at kumunoy ng hirap, Taglay ko ang pag-asang akin ding malalasap, Ang tagumpay na katas ng aking mga pagsisikap, Saksi ang tsinelas kong butas sa bawat pagkakadapa, Naging sandata ko ang bawat pag-agas ng luha, Hindi nagpatinag sa humihilang pangungutya, Sa tsinelas kong butas kahulugan ng buhay ay aking nakita, Sa bawat pagsugal at pakikibaka, Huwag kang susuko kumapit sa pananampalataya, At sa bawat balasa may aral kang makukuha, Sa hamon ng buhay kailangang maging matatag ka, Kung ang suot mo ngayon ay tsinelas na butas, O kahit sabihing suot mo pa rin pagdating ng bukas, Darating ang araw na ito'y alaala na lang ng pahinang napilas, Na iginuhit ng kabanatang nagwakas. December 18, 2021

NEGRITO MUSICIAN

Image
Source: Old Manila  John Tpilot Negrito playing a harp that was made by himself.  Strings made of bamboo, Philippines, 1934 or before. Do not under estimate a so-called primitive person. Source: Flickr  Photographer: Carl Evert Nathurst In 1927 Carl Evert Nathurst became head of the Philippine Police Force with the rank of brigadier general. In 1932 he left active service. Lived as a pensioner in Manila. When the Japanese occupied the Philippines in 1942 he and his family were held captive.  He together with his wife, Lillian Gwinne Trego and daughter died in the prison barracks, when the Japanese set fire to it after the American landing in 1945.  National Library of France

PALIMOS NG AWÂ

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon PALIMOS NG AWÂ ..... Nakapikit yaring mata mo,,nang ika'y dumaraan Hindi mo napapansin ang mukhang itong nadungisan Maano naman kung ika'y lumingon at ako'y tingnan Nang iyong madama,,ang gusto kong iyong maramdaman AWÂ mo'y aking hinihingi,,ako'y iyong limusan Ang puso mo'y aking ramdam,,tao kang may kabutihan May mga matang hindi nakapikit sa may kahirapan Maramdaman mong,,ang buhay ko,,ay mayroong kalungkutan  Palimos !! Palimos ng awâ mong sana'y mabitiwan Mga kamay ko'y ilalahad,,bùkás,,nang iyong matingnan Karampot mong barya,,sana naman ako'y maambunan Pagpapakatao'y gawin,,bawat isa'y  kaawaan Nasasabik ako,,sana nga tayo ay magmahalan Ang limos mong AWÂ ay tunay kong pasasalamatan Aking idadalangin sa DIYOS,,ikaw ay bantayan Kamtin mo ang biyaya,,ngayon,,magpakailan pa man  Palimos !! nang tunay na Pag-ibig,,sana'y maasahan TAO,,may DAMDAMIN,,may PUSÔ,,may KALOOBAN Sa bawat nilalang dapat ay pala

PERA O ASAWA?

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon PERA O ASAWA ??? Sa panahon ngayon,,may katanungan  Alin ba ang mahalaga,,pera o asawa Kung pakakaisipin,,pipiliin ang pera Ang pera minsan,,ay tunay na kailangan Sa mundong ibabaw,,uso'y pita ng laman Marami ang gustong ito'y kasadlakan Hindi alintana ang sasabihin ng iba Ang nasa isipan ay ang munting ligaya Asawa'y pipiliin kung mayroong dahilan Lalo ang pag-uusapan ay karangalan Kapuri-puri ang mayroong katapatan Sa mag-asawang lubos na nag-iibigan Pera ang kapalit nang mga panghihina Sa nawalan ng tiwala sa kanilang asawa Nagpalalo't nagtaksil umibig nang iba Kaya ang Dangal,,ang kapalit ay pera Pera!!Asawa!!Pera,,parehong mahalaga Pera ay madaling gastusin at nawawala Asawang mabuti at mapagkakatiwalaan Walang makakapalit anumang YAMAN Zoraya Pilar,Sorsogon Philippines Dec.7,,2021 10:17 p.m. Tula Tugon ni Flor Dayao Sa ngayon,matalino na ang mga kababaihan... Nag iisip ng magandang buhay Magtatrabaho ng walang humpay.. Kung mag- a

PANGARAP

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon Ang gandang tingnan ang mga bituin Tulad ng pangarap na hindi kayang abutin Nanatili na lang sa ating paningin Ang kumukutitap na luningning Pangarap minsa'y palaging nabibigo Kahit anong gawin,,pagod na todo Kung walang pangtustos,,tiyak sigurado Hindi kayang makamtan anumang gusto Sa pangarap na tunay na naunsyami Hahayaan ko na lang na aliwin ang sarili Maging mapagpasalamat at ako'y kinandili Sa mga biyayang bigay ng DIYOS na walang atubili. December 8, 2021 Tula Tugon sa Dream On Source: Self-Publishing x Movement

KUNG DISIN SANA

Tula ni Frandres Irean Kung ang mga tula ko lamang ay isang MAHIKA, Napawi ko na sana dusang tinatamasa, Kung ang mga tula ko lamang ay isang LAMPARA, Madilim na landas tinanglawan ko na sana, Kung ang tula ko lamang ay bungkos ng PAG-ASA, Ididilig ko sa lupa isang dakot na LIGAYA, Kung ang mga tula ko lamang ay kumpol ng SAYA, Sa labing humihikbi NGITI'Y aking ipipinta. Kung ang mga tula ko lamang ay isang TULAY, Paglalapitin ko mga damdaming pinaglayo ng AWAY. Kung ang mga tula ko lamang ay isang KAMAY, Hahaplusin at papayapain puso mong may LUMBAY. Kung ang mga tula ko lamang ay isang KUMOT, Babalutin ko ang sa lamig ay NAMAMALUKTOT. Source: Self-Publishing x Movement December 7, 2021

KAPITA-PITAGAN

Image
Saludo ang lahat sa iyong kagalingan Ikaw ang bayani ng ating sawing bayan Ang tugatog mo’y abot langit Sa iyo’y wala nang makahihigit Para kang isang kapuri-puring watawat Sa itaas ay malayang pumapayagpag Ang aming kamay ay nasa aming dibdib Para sa iyo iaalay ang wagas na panalangin Ikaw ang sikat ng kataas-taasang araw  Sa aming aninong walang dangal Ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Oo, walang kamatayang ikaw Sa iyo na ang korona at lahat ng parangal Sino ba kami kundi isang hangal? Pagpugay sa iyong walang katulad na karangalan Mabuhay ang iyong natatanging pangalan! Kagalang-galang na kamahalan Wagas ang iyong kadakilaan Ikaw ang apoy na nagbibigay-alab Kami’y abong walang ganda’t saysay At sa darating na bukang-liwayway Ang abang lupa ang sa iyo’y sabik na naghihintay (Sa panulat ni Rado Gatchalian)

AKO ANG MAKATA, AKO ANG TULA

Tula ni Frandres Irean AKO ANG MAKATA, AKO ANG TULA Ako ang tulang—hinabi sa tinigis na luha, Ang talinghagang—hindi matalos ang hiwaga, Ang kumpiyansang naglalaho—tayutay sa talata, Ang nagkukubling bituin—sa ulap ng haraya, Hayaang bitawan ko ang pluma kong hawak, Mga obra'y hayaang maging alikabok sa alapaap, Sa tinahak na landas sa larangan ng pagsulat, Marahil nga'y ang kakayahan ko ay hindi sapat, At sa bawat paglagas ng talutot ng rosas, Ay ang pag-agnas ng mga titik ang s'yang katumbas, At sa bawat mga pahinang mapipilas, Ay paglaya sa kulungang walang rehas, At sa bawat pagsibol ng bagong bulaklak, Ay bagong pahina ang s'yang mabubuklat, Kung saan bagong kabanata ang nakasulat, Ang kwentong pag-usad ang isinisiwalat, Bumaha man ng luha sa tag-init at lunurin ng kalungkutan, Ang tinubuang lupa sa tag-ulan man ay matigang, Maubos man ang tinta at papel na susulatan, Patuloy lang sa pagbungkal hahasain talento kong tangan, Sapagkat ang talentong ipinagkaloob ng la

BAGONG LIPUNAN

By Rado Gatchalian Ang sigaw ng SYDNEY, AUSTRALIA: “Bongbong… Sara… BongBong… Sara…” #BBMSara2022 Sydney Gathering and Live Video Call with Lakay BBM 04 December 2021, Saturday Hyde Park, Sydney BAGONG LIPUNAN (Ang titik at musika ay ginawa noong 1973) Titik: Levi Celerio, National Artist  Musika: Felipe Padilla de Leon, National Artist  May bagong silang,  May bago nang buhay, Bagong bansa, bagong galaw, Sa Bagong Lipunan! Magbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad,  at ating itanghal, bagong lipunan! May bagong silang,  May bago nang buhay, Bagong bansa, bagong galaw, Sa bagong lipunan. Nagbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad,  at ating itanghal, bagong lipunan! Ang gabi'y nagmaliw nang ganap, at lumipas na ang magdamag. Madaling araw ay nagdiriwang, may umagang namasdan Ngumiti na ang pag-asa sa umagang anong ganda. May bagong silang,  May bago nang buhay, Bagong bansa, bagong galaw, Sa bagong lipunan. Nagbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad,  at ating itanghal, bagong lipunan!

Ma'am L E Caytiles

Image
Repost October 28, 2021 The top most picture shows a Gabaldon building which we used in our early elem grade school days. It was later destroyed by a typhoon. The lower picture on the left shows my first year teaching experience, Grade 6 social studies class in geography, oh my, my pupils could identify important places in an outline world map! The picture on the right is the gate of the school built in the late 70's and later improved by the next years and looks what it is now.

Lomboy

Image
Repost August 24, 2017  

BAGWIS NG PANGARAP

Frandres Irean BAGWIS NG PANGARAP Huwag kang mamihasa sa tayog ng iyong lipad, Baka sa pagbagsak mo'y sa pighati ka mamugad, Huwag ipagyabang kong ang kislap ng tala mo'y mas matingkad, Sa mundong ibabaw lahat manlalagas walang mananatiling namumukadkad. Sa pagkampay ng iyong bagwis patungo sa kalawakan, Kung malalampasan mo ang maitim na ulap na hahadlang, Maging kawangis ka sana ng matayog na punong kawayan, Marunong yumuko at humalik sa lupang pinagmulan—tiyak ang paroroonan. Hindi ba't kay sarap abutin ng  pangarap na walang masasaling? Hindi ba't ang katas ng pawis mo't dugo ay kay tamis lasapin? Hindi ba't nakagagalak kong sa paglipad mo'y tama ang iyong lalandasin? At isang karangalan kong kabutihan ang iyong hahangarin? Sa iyong paglipad bumagsak man o mabigo huwag lilihis ng landas, Maging matatag harapin ang pagsubok na hatid ng bukas, Huwag sumuko—ituloy ang laban sa mundong marahas, Panginoon ang gawing sandigan—ang magbibigay ng lakas.

Badjau

Image
Old Manila By Del R Nanoz Known as "sea nomads," the Bajau people have been living in boats or ocean dwellings on the waters of Southeast Asia for centuries without a homeland to call their own. Though they spend up to five hours a day underwater, diving to depths of more than 200 feet, they have little sense of time or age, with virtually no calendars, clocks, or birthdays. They've since evolved to have internal organs and physical capabilities unlike our own and are the last of their kind on Earth.  Credits/ R.dharius Vic/F..n. Ctto

ANG KASAYSAYAN NG PAGIGING MAYABANG NG PILIPINO

Image
ANG KASAYSAYAN NG PAGIGING MAYABANG NG PILIPINO (Isang Malikhain at Malalim na Pagsusuri) ni Rado Gatchalian (FREE TO SHARE) 1. Sa katunayan ay nakalilito. Ang karaniwang haka-haka ay napakabait at napakamapagkumbaba ng Pilipino. Sa totoo lang, totoo naman. Kitang-kita naman di ba? Pero kung gaano katotoo ito ay ganoon din katotoo ang pagkamayabang nating mga Pilipino. Di ba? Itanggi mo man o hindi, sigurado naging biktima ka ng pagkahambog ng kapwa mo Pilipino. Malamang, halos nilait-lait ka pa. Malamang, tinapakan ang pagkatao mo. May kababayan tayong tititigan at susuriin ka mula sa iyong talampakan hanggang sa ulo. Kumbaga, hinusgahan ka na agad-agad base sa itsura mo. Talagang may mga taong ang yayabang! Malay mo isa ka rin doon.  2. Ating pagnilayan nang mataimtim. Suriin natin nang mabuti. At maging tapat tayo sa ating sarili. Tumingin tayo sa salamin — at kilalanin natin nang maluwalhati at bukal sa loob kung sino ba talaga tayo. Kung paano tayo naging ganito? Marahil ang ating

Pag-ibig sa Lupang Namunga

Image
Pag-ibig sa Lupang Namunga (Para kay Gat Andres Bonifacio) Ni Rado Gatchalian Hindi lang pawis at luha ang iniwan sa bantayog ng pagkilala Maging ang pagsigaw laban sa pagtaksil ay nangibabaw. Ang huling hininga na nag-iwan ng di makalimutang kaba Sa mga anak ng bayan na nanatiling tapat sa sinimulang himagsikan. Kung ang balakid ay ang kinilalang kapatid — Ang panalangin ay maging malaya ang bayang naghihimagsik. Sa pagsikat ng araw ay nasisilayan ang iyong katapangan At sa dapithapon naroon ang iyong kaluluwang may hinagpis ng kahapon. Subalit ang iyong pangarap sa bayang sinisinta ay buo, dalisay, at wagas Walang hanggang pananampalataya na wala nang hihigit pa gaya ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa.

PAGPUGAY SA ATING SUPREMO

Image
PAGPUGAY SA ATING SUPREMO Sa panulat ni Rado Gatchalian (FREE TO SHARE) Hanggang ngayon para pa ring bangungot sa akin ang isiping namatay ang ating bayaning si Andres Bonifacio sa kamay ng ating kapwa Pilipino. Karamihan sa atin ay parang nagbubulagan na may kinalaman si Emilio Aguinaldo sa mapait na kasaysayang ito ng Pilipinas.  Kasama ng ating Supremo: napatay din ang kapatid niyang si Ciriaco. Ang kanyang kapatid na si Procopio ay pinahirapan din. May espikulasyon na ang kabiyak ni Andres na si Gregoria ay ginahasa rin. Isa ngang bangungot na kahit ilang beses tayong magising ay hindi na mababago. Hindi ko mawari kung paano bigyan ng pugay ang ating Supremo na mas masahol pa sa hayop ang kanyang sinapit sa kamay ng ating kababayan. At ngayo'y ipinagbubunyi natin siya bilang isang dakilang bayani na kahanay ni Gat Jose Rizal. Subalit kasabay nito — isa pa rin bang malaking katanungan kung nabigyan ba ng hustisya ang ating mahal na Supremo. Hindi makakailang napakalaki ng paghan

Buhay Kong Sawi, Lupang Inapi

Image
Buhay Kong Sawi, Lupang Inapi (Para kay Gat Andres Bonifacio) ni Rado Gatchalian, Nov. 30, 2021 Sinubukan kong lakarin ang mahabang paglakbay Ang ilang kabundukang namamahinga At ang binubulong ay hikbi ng pangungulila Ang aking pawis lamang ang aking karamay Walang sandata kundi ang napapaos na katapangan Kung ako ma’y sawi, oh ako’y inyong ipagdasal Kung bakit tuyo ang aking labi Ang dahila’y sabik sa iyong tapat na pag-ibig Huwag mong kalimutang pinaglaban ko ang ating lahi Kung itinakwil man ako ng sarili kong kapatid Iniiwan ko sa Dakilang Maykapal ang katarungang para sa akin At maging kapalaran ng aking sawing salinlahi Oh bayang aking lubos-lubos na minamahal Sa lupang aking tinubuan ako’y handang mamatay Yakapin mo ako at sa langit, maging sa ulan ako’y kasama habang buhay