KANDILA AT KADILIMAN
Tula ni Duoi Ampilan Bawat lingon sa kahapo'y tanaw ang lagim Makapanindig-balahibong tagpo sa dilim Ang nakaraan ay durungawan ng hinagpis Sa haba ng panahon, ang lahat ay tiniis Kandila ay sisindihan sa gitna ng kadiliman Ibabaon sa puntod ng paglimot ang nakaraan Kailan man ay hindi na babalikan ang kahapon Hindi na paaalipin sa aninong kakilakilabot Bawat bagong hakbang ay luksong pag-asa Bitbit ang aral at tapang sa bagong lakbay Hindi na yuyuko sa bawat hamon ng buhay May ngiti sa labi na yayakapin ang tagumpay October 30, 2021 Filipino Poet in Blossoms Tema: Tatlong Hakbang Palayo Concept by Jhake Morales