Posts

Showing posts from July, 2021

KALAYAAN

Tula ni Estelle Cortes  Puhunan ay dugo at buhay, Mula pa sa ating kanununuan. Ilang daang taong pakikibaka, Makamit lamang ang minimithing Kalayaan. Kalayaan na ngayon ay niyuyurakan, Ng mga taong nagkukunwaring Mapagmahal sa Inang Bayan, Mga taong walang iniisip Kundi sariling kapakanan. Sana naman maging mapanuri, Pilipino tayo sa diwa, puso at gawi. Mahalin ang bayan Nang makatotohanan- Walang pag-iimbot, Ipaglalaban hanggang kamatayan. ~Estelle Cortes June 12, 2021 Source: Filipino Poets in Blossoms 🌸 

THE MAN WHO GIVE OUR COUNTRY BACK TO THE FILIPINO PEOPLE

Image
By Caloy Bueno   This is The Man. He gave our country back to its true owners ~ the Filipino people . . .   Our country had been held in political, economic, social, and even religious bondage to the yellow elites ~ who only accorded lip service to the poor that comprised the majority of the people, and exploited the middle class that served as their indentured skilled workers that provided the main backbone for our society's continued economic survival. Many of our poorest of the poor worked the fields in the countryside on a bleak hand-to-mouth existence; while the other half of the poor in the urban centers provided most of the cheap manual labor in menial jobs, or eked out their livelihoods as barely-surviving informal micro enterprises.   But the ruling elites, on the other hand, were disdainfully proud of their sophisticated urbanity, their ostentatious displays of wealth, their arrogant manifestations of class privilege ~ and even celebrated their inhumanity to t...

Adam Garrie

Image
via Cesar Morandarte

LUMBAY

Tula ni Rolando Tinio Nalulumbay ang puno ng goma sa gilid ng bulibard At ang puno ng akasya sa likod ng goma. Mukhang uulan sa buong mundo. Wala na ang mahal ko, iniwanan ako. Nalulumbay ang tubig na laging kulay-abo At ang tatlong bapor na kulay-kalawang sa laot, At sa likod, ang ulap na parang tinggang natunaw. Wala na ang mahal ko, iniwanan ako. Nakatungo ang mga dahon ng niyog, Marahang pakampay-kampay Sa hanging humahampas, naglalarong Anaki’y mga batang walang kamalay-malay Sa talas-kutsilyo, talas-labaha ng lumbay. At naalala ko ang isang awit na puno ng hinagpis, Parang sugat na humahapdi, lalong tinitistis. At naalala ko ang wala nang mahal ko Na naparaan sa aking mundo, Parang ulap na bumitin nang ilang saglit, Saka nagpatuloy sa maraming lakad sa himpapawid At, sa tingin ko, hindi na, hindi babalik. Source: FB/via Rado Gatchalian 

LAST SONA of PRRD 2021

By Hedda Tady At the end of my lifetime and I find myself asked what was one single thing I did for my country and for my countrymen, and particularly for the next generation of Filipinos - generations of which my own kids are part of - I’d say, I took to social media at a time when ordinary citizens (unpopularly) took up the keyboard as a weapon in a war where only words and heart determined winners and losers.  Outside the country, especially in his first three years as president, the mainstream media and journalists aligned with the likes of Marya were spewing out half-truths about what he was as a leader, taking cues from journalists in the Philippines who either did not know any better (having been raised and conditioned to think as intellectual elites) or, who never set foot in either Mindanao or the rural areas in the Visayas to fully comprehend what the real war was about : the exploitation of the poor, the rape of our natural resources by companies that extract them, leavi...

MUNDO

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon  Ikaw ba`y TAO ??              sa mundong ibabaw ??? Masaya ka bang tunay ???              ano ang iyong nararamdaman ?? Sa kasiyahang walang katuturan ??             Tunay na kasiyahan ang hanapin mo !!!               mahal mo ba ang kapwa mo ?? Huwag sarili ang pakakaisipin                Utos ng DIYOS ay SUNDIN    Mundo ay pansamantalang tirahan               dito hinahasa ang mga taong tunay Ginto nga dinadaan sa apoy.....               upang lantay na ginto ay malaman Tao sa mundo ay tulad din ng ginto...              kinikilatis mga gawang makatao Lahat ng gawa ay nakikita....              ng ating DIYOS na BATHALA Mun...

MAGSASAKA AT MANGINGISDA

Tula Ni Rebecca Tarog Adjie  Canon  Kami ay magsasaka at mangingisdang super sipag Nagbabanat ng buto sa silong ng araw at buwan  Walang humpay sa pagtatanim at pangingisdang ganap Nang ang pamilya ay mayroong  magandang kinabukasan Marumi man ang aming mga kamay at maraming mga kalyo Aming ipinagkakapuri ang hanapbuhay na ito Sagana sa pagkai't gulay nang hindi bumibili Lumilipas ang oras ang aming tiyan walang hapdi Sariwang-sariwâ ang ulam namin sa tanghalian Kukuha ng sariwang gulay sa aming halamanan Pagkain namin ay mga masustansya at malinamnam Pagkaing kailangang tunay ng aming mga katawan Kaming mangingisda at magsasaka kung tatamarin  Kawawang tunay,, ang tao sa mundo'y walang makain Pawis,,pagod,,puyat,kalyo ang aming mga dinaranas Itutuloy mga gawaing ito sa magandang bukas KAYONG LAHAT !! TAYO AY MAGTANIM ,, MANGISDA !! HALINA !!! Ang GUTOM tunay MAIIWASAN kung MAGSISIPAG KA !! Ang mga KAMAY na may PUTIK at KALYO ay TAGUMPAY KA !! Kahit WALANG DIPLO...

BUHAY MAG-ASAWA SA BUKID

Tula ni Crispulo Bacud Tappa Ang bunga ng pulo't gata, supling nagbigay saya. Sa mag-asawa'y isang malaking biyaya, sa paglaki nito ay kanilang inaruga. Ang isa ay naging labing-dalawa. Bunga ng labing-labing ng mag-asawa. Buhay sa bukid sila'y inaruga. Ang ama'y lubos  na nagsikap, kayod marino ang kanyang ginawa. Upang sila'y mabuhay ng sagana, sa biyaya ng Diyos sila'y umasa. Ang mga anak nama'y silay tulong-tulong. Sa gawaing bahay, si Ate ang nag-uurong. Si kuya nama'y sa ama sumasama Nagtutulungan sa bukid, magtanim ng punla. Sa ani nito'y sila lahat ay umaasa. Buhay sa bukid mahirap man ngunit masaya. Kakarampot man ang kita ito'y pagpapala. Malinis at walang bahid na pandaraya.  Ang mga anak iginapang  ng dakilang ama, upang ang  pangarap nila ay matupad na. O, anong ligaya ng ama't ina, isang libo't isang saya, makita ang mga anak na nagmamartsa,  sa entablado upang tanggapin ang diploma. Bitbit si ama at ina bilang pagpugay sa k...

PIRA-PIRASONG PATLANG

Ni Rado Gatchalian  PIRA-PIRASONG PATLANG  (Para sa mga makata at musikerong patuloy na naglalakbay) naglalakad, mag-isa, patungo sa paraiso, sa tabing-ilog, katuwang ang dahong nababad sa araw, yakap niya ang punong nangungulila sa pagmamahal.   may alamat sa kanyang panulat walang salita ang di makakalimutan ang bawat kataga malaya lumulutang sa pagkalasing sa alak na bigay ng kaibigan.   wala na sigurong ikararangal niya kundi ang maalala man lang na may isang makatang nagmatyag, nakibaka... darating ang araw ang bawat tula ay isa lang salita na naglahong-bula.   pero hindi mahalaga kung ang oda ay nalimot ng tadhana: maging ang bituin kikinang at mawawala. ito ang alamat ng isang makata – may himala sa bawat letra may luha sa bawat tinta pira-pirasong patlang sa pagitan ng langit at lupa.   lilipad na walang pakpak sisigaw kahit wala nang mabanggit: mananahan sa isang pirasong papel, tahimik, nananaginip kasama ang anghel... Source: Filo-sopher

ANG DUYAN

Image
Tula ni  Crispulo Baccud Tapa Sa duyan ako tumatakbo pag ako'y nalulumbay. Sa kanyang piling ako ay nagmunimuni't nagnilaynilay. Habang pinapanood ang mga paroparong sumasayaw sa kanta ng mga ibong pipit Sa kanyang munting indayog ako ay napapaidlip. Aking diwa'y naglakbay sa kalawakang di ko maabot. Ako'y naalimpungatan at nagising dahil sa init. Sa duyan ko nabuo ang mga pangarap para sa bayan. Sumulat ako sa Diyos Ama ng nga tula't ibang akda. Isinumbong ko ang mga politikong  patuloy na ginagahasa ang Inang  Bayan. Pinagsamantalahan at niyurukan ang kanyang dangal. Aking dasal ay magbago na sila at nawa'y magkasundo na at magkabigkis bigkis. Sa duyan ako nananalangin na  sana'y mahabag ang Panginoon sa atin. Na tayo ay basbasan para umunlad na ang bayan natin na napag-iwanan na ng panahon. Source: Filipino Poets  in Blossoms  Photo: Leah C. Dancel Photography  Mayfield Garden, Oberon NSW 2018

ULAN SA TAKIPSILIM

Image
Ni Ka Ipe Kay daming ibig sabihin   Ng ulang lumalagapak Depende sa tao, sa estado   At karanasang napagtanto Habang lumalakas ang ulang may ihip   Lumalalim naman ang baha at pag-iisip At gaya ng kapaligiran   Na napapalibutan ng kadiliman Nararamdaman ang lamig   At kawalan ng kaliwanagan Di katulad ng ulan sa madaling araw   Na ilang saglit lamang ang ilaw matatanaw Sa ulang dapit hapon at agaw-dilim   Kalungkutan ng gabi ang ramdam na taimtim Gumagalobog ang lakas ng tubig ulan   Sa bubungang metal at adobe Nagbabalik ang mga alaalang   Masakit sa puso at sa sarili'y nakaka-torpe Nag-aantay tumigil ang ulan sa takipsilim   Hanggang bukang-liwayway ang puyat titiisin Para matapos ang madamdaming yugto   Na gustong kalimutan at ayaw patali Umaasa sa isang mas makahulugan   Maligaya at makulay na bahag-hari © Epimaco Densing III #Filipino Poets in Blossoms  July 25, 2021

ANGHEL SA LUPA

Image
Photo credit to the owner  Madalas nating nararanasan Suliranin ay di maiwasan Ngunit ito'y nagagawan ng paraan Dahil ang Diyos di tayo pinapabayaan. Kapag tayo'y humiling sa Kanya Sagot Niya'y palaging nakahanda Siya'y nagpapadala ng ANGHEL SA LUPA Upang ating maramdaman ang Kanyang presensiya. Tulong  na mula sa mga ANGHEL SA LUPA Nagkakaloob sa atin ng himala Salimuot sa buhay dagling napaparam Hagod sa puso, masarap sa pakiramdam. Ipinagkakaloob Niya sa atin ng kusa Ating natatanggap na mga pagpapala Sana'y atin ding ibahagi sa kapuwa Para ang lahat ng tao ay lumigaya. Maging mapagsalamat sa Maykapal Walang-hanggan ang Kanyang pagmamahal Sa bawat araw tayo'y ginagabayan Sa paglalakbay ay iniingatan. Mga ANGHEL SA LUPA, ating kaibigan Kapag may kailangan, sila'y maasahan Tulad ng Panginoon na di nang-iiwan Tunay na kaibigan magpakailan pa man. ~Cherrie Facun Dancel Source:  #Filipino_Poets_in_Blossoms

PRAYER

by Teresita Mariano Barrera Father Almighty give us your     guidance Immoral humans we are, let us     in compliance Lead our journey in this poetry Ignite deep within us wisdom        for our creativity Protect our hands to hold our       pen tightly Impeccable with our thoughts        what to scribe Narrate the beat of our hearts to         be heard Opportunities in abundance for          us to hold Philippines, my motherland I will          make you proud Overjoyed with other poets          faraway from the east, west          north and south  Enthusiastic we are for them to           collaborate with us Thy Lord we need your amazing            mercy and grace Shine upon us wonderful favors Innovations let u...

SUBUKAN MO

ni Rado Gatchalian  Subukan mong lakbayin ang bayang hindi pa nakikilala,  Subukan mong isulat ang isang kwentong wala pang pamagat,  Subukan mong suntukin ang buwan hindi dahil sa ikaw ay galit, kundi dahil ikaw ay umiibig,  Subukan mong pigilan ang daloy ng iyong dugo upang mabuhay ang isang naaagnas na kaluluwa,  Subukan mong isigaw ang pangalan ng iyong ama at ina, upang ipagdiwang ang buhay na meron ka,  Subukan mong hugasan ang iyong mukha sa batis upang makita mo kung sino ka,  Subukan mong ipikit ang iyong mata upang masilayan mo ang liwanag na nagtatago sa dilim,  Subukan mong bumalik sa iyong pagkabata subalit matutong magpatawad,  Subukan mong huminga nang malalim hindi dahil para sa iyo kundi para sa mga batang natutulog sa ilalim ng tulay,  Subukan mong manahimik para naman kahit isang saglit ikaw ay tunay na makarinig,  Subukan mong sumulat kung sino ka talaga, hindi dahil ito ang sabi ng lipunan kundi dahil ito ang gu...

PAANO MAG-ISIP ANG ISANG MAKATA?

PAANO MAG-ISIP ANG ISANG MAKATA? ni Rado Gatchalian (FREE TO SHARE) Kung sa Butil ng Buhangin ang Mundo ay masilayan At ng Paraiso sa Ligaw na Bulaklak, Hawakan mo ang Kawalang-hanggan sa iyong palad  At sa isang hudyat ng oras ang Walang-katapusan. ~ Sipi mula sa Auguries of Innocence (Mga Hula ng Kawalang-malay), ni William Blake, salin ni Rado Gatchalian 1. Ang bawat makata ay gaya rin ng bawat nilalang: nag-iisip, nagkukuro-kuro, namimilosopo, nakikipagtalo, bumibida, umeepal, nagmamagaling, humahalakhak, nang-aasar, umiiyak, at higit sa lahat, umiibig. Wala namang pinagkaiba ang makata sa ibang nilalang. Katulad ng iba, may baho at kahihiyan din. Subalit may natatangi sa isang makata: nakikita niya ang hindi nakikita ng karaniwang mata. 2. Katulad ng ibang alagad ng sining — iskultor at pintor: ang makata ay lumililok at gumuguhit, kung hindi man sa kahoy o bato at lona o canvas, ay sa papel at tinta ng bolpen o lapis. “Malawak” ang pag-iisip ng isang makata sa dahilang sakop ...

ISANG TALONG ISANG SAGOT

Image
Tula ni Jhake Morales  "Isang Talong Isang Sagot"        -Usapang Lalaki- Isang talong, isang sagot Bakit ka nagagalit pagtinawag na supot? Isang talong,isang sagot Sa asawa o sa magulang,saan ka mas takot? Isang talong,isang sagot Bakit kapag nahuhuli ka'y kumakamot? Isang talong,isang sagot Bakit kahit nahuli na'y pilit lumulusot? Isang talong,isang sagot Paano ka magalit pasigaw o pasimangot? Isang talong,isang sagot Ang babae o ang lalaki, sino ang mas mabilis makalimot? Isang talong,isang sagot Ano ang madalas mong ginagawa pagnakatalukbong ng kumot? Isang talong,isang sagot Bakit lagi kang may ticket ng bus sa bulsa na lukot? Isang talong,isang sagot Mamahalin mo parin ba 'yong asawa kahit balat ay kulubot? Isang talong,isang sagot Saan ka tumitingin, sa nasa loob o sa saplot? Isang talong,isang sagot Kung 'di ka responsable'y ano ang dulot? Isang talong,isang sagot Kung 'di mo iibigin bakit pinapaikot? @jhake morales 07/23/07 Photo from Google S...

ISANG TALONG ISANG TAHONG

Image
Tula ni Joan Santillan Amurao #ISANG_TALONG_ISANG_TAHONG (Ang Sagot Sa Mga Tanong)  Nais ko pong ipagpauna Mga linya na inyong mapupuna sa inyo ay maaaring hindi nakakatuwa Kaya hiling ko po ay ang inyong pang unawa.  Ating simulan ang  taludturan Mula sa mga salitang tinuran Nitong ating mahusay na kaibigan Na Jhake Morales  ang ngalan.  Ang tanong sa nahihilong talong, "Bakit ka nagagalit pagtinawag na supot" Agad-agad ako man ay nalito sa supot, Halika at ang talong ay ating isupot.  "Sa asawa o sa magulang, saan ka mas takot?' Ipagpaumanhin, Hindi ko ito masasagot. Sapagkat hindi naman sila nakakatakot.  "Bakit kapag nahuhuli ka'y kumakamot?" ako ma'y nahuli pero hindi kumamot, Nagkataon lang na makati ang kuyukot.  "Bakit kahit nahuli na'y pilit lumulusot?" Walang pinag-iba sa sinulid na nais ilusot Nahuli mo na, pero ikaw mismo ang nagpalusot.  "Paano ka magalit pasigaw o pasimangot?" Depende sa sitwasyong ginawa ng asu...

HUWAG NA HUWAG

Tula ni Cherrie Facun Dancel Huwag na huwag kang makikipag-away sa kapuwa Iyan ang palaging ipinapayo ng ama at ina. Huwag na huwag kang magsisinungaling sa magulang Magpaalam kung may pupuntahan para di mapagalitan. Huwag na huwag kang manglamang sa iba Ito'y gawain ng taong masama at mandaraya. Huwag na huwag kang sasagot sa matanda ng pabalang Upang mas nakababata sa iyo na nagmamasid ika'y igalang. Huwag na huwag kang gagawa ng pandaraya Para ikaw ay mabuhay ng maayos at malaya. Huwag na huwag kang nawawalan ng pag-asa Ito ang payo ng mabuting kaibigan sa nakilala. Huwag na huwag kang bibitaw sa kamay ng Maylikha Pag sulirani'y dumating, sasamahan at yayakapin ka Niya. Huwag na huwag kang hihinto sa paglikha ng tula Pagpapalakas loob ng manunulat nang talento'y mahasa. Source: Filipino Poets in Blossoms  🌸  July 24, 2021

A UTOPIAN DREAM

Image
by Crispulo Bacud Tappa Have you wondered why we have remained poor? Poor. Despite our having vast resources? Vast resources,  yet underdeveloped. Underdeveloped yet,  hemmed in our growth. I Communism In The Philippine Setting In boondocks, godless tribe of warriors thrive. Thrive, men espousing a meaningless fight. Fight our government, our ordained leaders. Leaders, they who govern us unperturbed. Unperturbed, they brainwash    the unwashed poor. Poor wallow in quagmires of poverty. Poverty defrocked them  of dignity. Dignity is what we all  need to live. To live in peace, love,  and equal chances. Equal chances for jobs fit for men. Men have used every  plausible reason. Reason to kill our  nation's armed forces. Armed forces, our great nations's peacemakers. Peacemakers who have succumb to bullets. Bullets, arms made their rugged life unstill. Unstill, always running into the wilds. Wilds provided their cover, hungry, scared. Scared, s...

PAGPAPAMILYA

Tula ni Dimple Lobo Corcina Opina Ang pagpapamilya ay ang pusod ng buhay ng pag-aasawa, Sa dahilang ito ang simula ng walang katapusang pagpahahalaga, Dito nasusukat ang tibay ng pagsasama, Kung saan ang haligi't ilaw ay magkakasangga. Ang pagpapamilya'y sumusuyod ng pagsisikap, Nagpapalawak ng pasens'ya at takbo ng utak, Dito'y binubuo ang pangarap na bukas, Dito'y tinitimbang ang gaan at bigat ng responsibilidad. Ang pagpapamilya'y tunay ngang katuparan, Kung bakit mayroong ligawan at kasalang namamagitan, Sa dalawang nilalang na nag-iibigan, Na nais mag-ani ng mga bungang pahahalagahan. Isang karangalan sa isang magulang, Na ang kanyang bunga'y mataba sa paggalang, Mayabong ang unawa sa bawat pangaral, N'yaong ama't inang hindi napapagal, Sa pagpupunyagi at pagbubungkal, Upang mga anak magkamit ng magandang buhay. Nasa ama't ina ang kaparaanan, Ng tamang pagpapalaki o pagpapa-ulayaw, Sa kanilang kamay doon nakasalalay, Ang hubog ng ugali at ...

KAPOS PALAD

Tula ni Dimple Lobo Corsino Opina Buto at balat ka na pagala gala, Bawat masalubong samo mo ay awa, Maanong tumanggap ng kukunting barya, Ngiti ang sisilay sa hapis mong mukha. Do'n sa bangketa kung makitang madalas, Hikahos kang tingna't damit mo ay butas, Habang nakaupo'y palad nakalahad, Sa mga nadaan, ay limos ang hangad. Katulad mo'y ibong walang madapuan, Mga puno't sanga'y ikaw ay nilisan, Iyong nilalakbay ang bawat lansangan, Inari mong yaman, ginawang tahanan. Kung saan abutin ng dilim sa gabi, Panlatag na banig pagal na sarili Ang hirap at sakit iyong tinitimpi, Pait ng paglunok ay mayro'n'g paghikbi. Sa gabing malamig kinukumot'y braso, Pilit niyayakap katawan mong hapo, Lubhang alumpihit pag-ihit ng ubo, Hirap mong paghinga ay halos mapugto.. Araw na dumaan laging binibilang, Malamlam mong mata may luhang nabalam, Sa buhay mong kapos piniling lumisan, Wala pa ring dangal hanggang kamatayan. ©DimpsKzie🌹 #Filipino Poets in Blossoms 🌸  Jul...

SA AKING PAG-IISA

Tula ni Cherrie Facun Dancel Sa aking pag-iisa, nag-iisip kung ano ang magandang magagawa. Hahawak ng pluma, iniisip ay itatala upang makalikha na (ng) isang tula. Sa aking pag-iisa, nag-iisip kung ano ba ang tama. Maghanapbuhay ng maayos at huwag manglamang ng kapuwa. Sa aking pag-iisa, nagtatanong kung kailan uunlad ang Mahal kong bansa. Kung ang mga pulitiko ay hindi gumagawa ng katiwalaan (katiwalian), oo, uunlad nga ito ng kusa. Sa aking pag-iisa naiisip ang dumating na pandemya. Nakakalito, nakakakaba, nakakabahala. Pagtatapos kailan kaya? Sana nga'y malapit na. Sa aking pag-iisa, naaalala at binabalikan ang masasayang nakaraan. Napapangiti at napapatawa na parang nasisiraan ng bait kapag kalokohan ay sumasagi sa isip. Sa aking pag-iisa, naaalala ang malayo na pamilya. Kumusta na kaya sila?  Maayos kaya silang nakakakain at nakakapagpahinga? Sa aking pag-iisa, minamasdan mga taong sa kalsada dumaraan. Matuling naglalakad patungo sa bukid na pagtataniman. Sa aking pag-iisa, na...

BUHAY MAG-ASAWA SA BUKID

Tula ni Crispulo Bacud Tappa Ang bunga ng pulo't gata, supling nagbigay saya. Sa mag-asawa'y isang malaking biyaya, sa paglaki nito ay kanilang inaruga. Ang isa ay naging labing-dalawa. Bunga ng labing-labing ng mag-asawa. Buhay sa bukid sila'y inaruga. Ang ama'y lubos  na nagsikap, kayod marino ang kanyang ginawa. Upang sila'y mabuhay ng sagana, sa biyaya ng Diyos sila'y umasa. Ang mga anak nama'y silay tulong-tulong. Sa gawaing bahay, si Ate ang nag-uurong. Si kuya nama'y sa ama sumasama Nagtutulangan sa bukid, magtanim ng punla. Sa ani nito'y sila lahat ay umaasa. Buhay sa bukid mahirap man ngunit masaya. Kakarampot man ang kita ito'y pagpapala. Malinis at walang bahid na pandaraya.  Ang mga anak iginapang  ng dakilang ama, upang ang  pangarap nila ay matupad na. O, anong ligaya ng ama't ina, isang libo't isang saya, makita ang mga anak na nagmamartsa,  sa entablado upang tanggapin ang diploma. Bitbit si ama at ina bilang pagpugay sa k...

FILIPINO YOUTH

EDITOR/COLUMNIST By Caloy Bueno  ðŸ”°ðŸ‘“📚📰📂💻 The Filipino youth of today are very enviable. They have so much promise, potentials, and a future like no other. Too bad they have to learn the hard way that most promises are meant to be dashed to pieces, that potentials not developed do not bear fruit, and the future is just a vision that even if seen, but not realized, remains only an illusion.  Our dreams still remain locked in captivity, until it can be set free by our willingness to take off the blinders of faith ~ a faith that keeps us occupied by merely hoping for such promises, potentials and future to come to us on their own. We waste our humanity on falsity. Our fate remains the prisoner of chance, until we can free ourselves from the lethargy of our complacence, the myopia of our dependence, and the stubborn refusal to risk our state of misery for something better ~ to firmly grasp and hold on to those promises, to work productively and fully on those potentials, so as...

DR. JOSE RIZAL SHRINE

Image
A visit to Dr. Jose P Rizal Shrine in Switzerland  by my late sister, Precy Dance Bierbaum with her late husband, Kurt Bierbaum and a friend. Date unknown.

TAPESTRY OF THE FILIPINO SOCIETY

EDITOR/COLUMNIST By Caloy Bueno  ðŸ”°ðŸ‘“📚📰📂💻   It can't be denied that the younger generation parents today have a tougher time disciplining their kids. (And probably even they themselves are having a tough time with their own discipline!) In the Internet age, there are a lot of cross-cultural influences, and add to that the general loosening of values and social norms in our society ~ and thus we get a recipe for a gradual (but pronounced) decline in our society's traditional Filipino way of life. The traditional Filipino way of life had always meant (at least for the older generations) that home was where our moral compass always pointed to as "true north" ~ and the "rock" sanctuary of our personal character and ethical behavior. But modern times have buffeted all homes with the irresistible winds of change ~ and the most affected are the younger generations because of their normal lack of stability, motivated by their felt compulsion or natural inclinati...

BALIKTAD NA ANYO

Image
Note: Dex Amaroso, one of the leading Administrators of the Filipino Poets in Blossoms, threw a challenge to the members in the group to write a poem using a VISUAL PROMPT.  He posted a photo of a tree with a provocative character that at first glance, many could not hold back their laughter.    Pantasyang  "Tikbalang" Sa gitna ng bukid, Ako ay napadpad Nabiling ang mata, naligaw ng landas Sa kalagitnaan, puno'y matataas Kakila-kilabot ang aking namalas Kaiba sa lahat ang aking namasdan Wari'y isang taong, na naging kriminal Nakabitin siyang, tuwarik ang lagay Paa'y nasa itaas, hindi maikampay Ulo'y nakabaon, ang buhok ay ugat Ang kamay at braso, sangang nakasayad Ang buong katawan, punong anong tangkad Hita, tuhod at binti'y nakabukadkad Tama ang nangyari, kung ito'y parusa Pusakal na mama, ay walang kawala Di makakataas sa "gubat ng sumpa"  Dahil pa tuwarik  di pwedeng magwala Sa bukid pantasya, ako ay hinila Ng isang tikbalang at ako...

SA AKING MGA KABATA

Image
Ni Jose Rizal I Kapagka ang baya'y sadyang umiibig  Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanlang kalayaan nasa ring masapit  Katulad ng ibong nasa himpapawid.  II Pagka't ang salita'y isang kahatulan  Sa bayan, sa nayo't mga kaharian  At ang isang tao'y katulad, kabagay  Ng aling man likha noong kalayaan.  III Ang hindi magmahal sa kanyang salita  Mahigit sa hayop at malansang isda,  Kaya ang marapat pagyamaning kusa  Na tulad sa inang tunay na nagpala.  IV Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingin  Ang siyang naggawad,  nagbigay sa atin.  V Ang salita nati'y tulad din sa iba  Na may alpabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa    Ang lunday sa lawa  noong dakong una. 

THE PHILLIPINES Before Magellan

A sequel comment to The Phil Before Magellan  By Aleph Haorh  Before the spanish conquestador settled foot in our shore other races have already reached this "many islands" in the eastern part of the globe. Gregorio Zaide the Filipino historian has written about this 'many islands' country prior to the 1521 "discovery" of Magellan.  In fact when Magellan arrived (here) he was astonished to learn that our forefathers were highly literate having 13 alphabets. And two of the alphabets were Arabic and Hebrew. When you study the bisayan vernacular and you have some modicum of knowledge about the Hebrew tongue, you will notice that various bisayan words contained the Hebrew shoresh (root).  Personally l would side with Lapu-lapu. He knew full well that our ancestors have the purest form of faith in the Creator. They addressed Him as Abba (Hebrew for Father), Bathala, Panginoon. The antiquated history of  addressing the Creator as Dios would bring us back to the t...

500 YEARS GIFT OF SLAVERY

EDITOR/COLUMNIST By Caloy Bueno  ðŸ”°ðŸ‘“📚📰📂💻 There are between 2.4 to 2.5 billion Christians in the world today, including about 1.3 billion Roman Catholics. We are observing this year the 500th year of Christianity in the Philippines ~ supposedly brought by Ferdinand Magellan when his expedition arrived on March 16, 1521 from across the Atlantic and the Pacific oceans over a one-and-half-year voyage ~ celebrating a thanksgiving mass on Limasawa Island off Samar and Leyte, then finding his way to Cebu where he converted Rajah Humabon and his tribe to Catholicism. Cebu is where he planted the first Christian cross ~ and got himself nailed to it by Lapu-lapu (supposedly the chieftain of Mactan island just across a narrow channel from Cebu), who refused to be conned by the Spanish conquistadores with either the cross or cowed by their swords and guns, plus cannons.   When Magellan died, Juan Sebastian Elcano took over Magellan's expedition ~ and made it back to Spain, thus compl...