Posts

Showing posts from November, 2021

Ang Bagong Cedula

Ni RG Ang Bagong Cedula Pilasin natin ang nagkukunwari nating anyo Pilipino sa panlabas ngunit manunupil na pagkatao. Ang ating tirahan ay nasa lupang sinilangan Ang  ating tahanan ay nasa lupang ating ipaglalaban. Marahil ang iba ay buong buhay na nasa kabundukan Subalit estranghero pa rin sa ating mahal na bayan. Ang iba'y naglakbay patungo sa lupang dayuhan Subalit nasa puso pa rin ang bayang minamahal. Kung sa isang cedula'y mapapakita ang pagkamakabayan: Para lamang itong papel na kalulumaan. Nasa puso ang kaluluwa ng pagiging isang Pilipino. Pakinggan natin ang tibok nito at mahahanap natin kung sino tayo. (Sa panulat ni Rado Gatchalian)

SA MUNDONG IBABAW

Image
By Duoi Ampilan SA MUNDONG IBABAW  Sa Mundong puno ng pagsubok at sakbibi ng dalamdati, matuto kang umagapay, makibagay at makipagsabayan. Sa buhay na kakambal ang kabiguan, matuto kang yakapin ang katotohanan. Sa mundong ito, lumaban ka at harapin ang bawat bukas na may ngiti sa labi, tapang, pag-ibig at pananampalataya. Inspirado na naman ang Baby Bakunawa sa kanyang Buhay Bukid. Hindi madali ang daan subalit kakayanin bilang paunang hakbang tungo sa dako pa roon. Maputik man ang dadaanan ay hindi alintana ng bagong Batang Batibot sa tulong ng mga nakapalibot sa kanya. Bata pa siya ay lantad na siya sa katotohanan ng buhay. Hindi madali subalit kakayanin. Puno man ng pagsubok pero hindi salat sa ligaya.

ADOPTING A KID

ADOPTING A KID Crispulo Bacud Tappa How much does it cost to maintain a dog?  How much does it cost to feed an orphan?  What joy a kid must bring to a childless couple! What joy must a dog bring to a lonely man! Between a kid and another kid of a higher breed, men have chosen to adopt  dogs and made their beds. Pampered, bathed, groomed, and dutifully fed. Many children are left hungry, abandoned and uncared, while bred dogs are vaccinated, more than kids, are lovingly held While abandoned kids are left to play in the streets with their own kind, the askals and pusakals, left to their own devices, and share amongst themselves left-overs salvaged from garbage bins. In a world where dogs make better friends, a human soul is left hungry and abandoned

HALAMAN

Image
Tula ni Florencia Dayao Kaygandang pagmasdan ng halaman, Kahit butas- butas ang mga dahon. Sadya siyang nilikha ng ganon, Parang may pinahiwatig iyon.. Kasingtulad din nating mga tao, Nakararanas na mabutasan.. Kahit na anoman ang mangyari, Mas ayos makitang nakangiti. Mahiwaga nga ang buhay natin, Minsan payapa,minsan magulo. Kailangan lang mag focus tayo, Tanging Diyos lamang ang nakaka-alam ng totoo... Tanggapin ang mga biyayang galing sa Kanya at Magpasalamat sa ating hiram na buhay..                              - Lola Flor

BUKANG LIWAYWAY

Image
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon ### BUKANG LIWAYWAY ### Ang haring araw ,, ay makikita tuwing umaga Nagbibigay ng liwanag ,, dito sa balat ng lupa Ang kanyang kagandahan ,, ika`y mahahalina Parang dalagang birhin ,, nakakabighani talaga Ang araw ginawa ng DIYOS ,, sariling mithiin Upang ang tao ,, bigyan ng dapat alalahanin Na pakatapos ng dilim ,, liwanag ay darating  Tulad ng buhay may ginhawa ,, may mga tiisin Bukang liwayway ,, ohh!! ang gandang tingnan Namumula-mula at dilaw ,, kung iyong tititigan Ang ganda sa mga mata ,, maaliwalas paligiran Nagbibigay bagong pagasa ,, sa sangkatauhan May kasabihang pag may ulan ,, may tag-araw May lungkot at may saya o kaya`y mapanglaw Pagdating ng bukas,, siguradong may liwayway Kaginhawahan ,,ay tiyak makakamtan ng buhay Ang ating buhay bigay ng DIYOS ,, ay mahalaga Ito ay ating pangalagaan ,, bigyan ng disiplina Huwag aabusuhin ,, sa bisyo at ibang bagay pa Alalahanin,, BUKANG-LIWAYWAY na maganda Zoraya Pilar,,Sorsogon Philippines Nov...

HON. ARTURO DANCEL

Image
Repost From JV Dancel Occena June 14, 2021 HON. ARTURO DANCEL Malolos Congress Delegate (Founding Fathers) 1st Congressman of Mindoro (1898-1901) Member of Partido Federal (1901-1907) 2nd Governor of Rizal Province (1904-1906) Freemason (33rd Degree-highest) #DancelinPhilippineHistory ARTURO DANCEL was born on January 6, 1863 from an elite gentry family in the town of Marikina with large tracts of lands in Mindoro and other provinces. Arturo Dancel was appointed to the Malolos Congress or formally known as the “National Assembly” which is the legislative body of the Revolutionary Government of Gen. Emilio Aguinaldo, representing Mindoro from September 15, 1898 to March 23, 1901. The revolutionary congress was composed of the wealthy and educated members of society of the time. President Aguinaldo was captured at Palanan, Isabela on March 23, 1901 and was brought to Manila. Convinced of the futility of further resistance, Aguinaldo swore allegiance to the United States and issued a proc...

RBalicongan Nov 23, 2021

Image
Repost Symphony No. 1:  Ode to the Mindanao State University Second movement Crescendo The days and months went by. The pace of growth sped up. New buildings rose to house better classrooms and lodgings for fresh batches of skinny boys and girls who came from all the corners of the nation each year. Swelling the number of eager learners: expectant, jubilant, and, perhaps, anxious too. All hopeful of a radiant future. The number of teachers swelled too. Adding wider perspectives to impart to the students on how to view the world from. Classrooms were enriched with these added minds. And with growing minds, discussions became more involved. Debates more fierce. Befuddlement at inane remarks grew more often as well as awe at the spark of intelligence that traveled from the mind, escaping through the lips of the more gifted of the bunch, infecting others to strive for excellence.  And, just as what happens when boys meet girls anywhere, romance bloomed, providing an even richer gr...

Regrets

Repost November 23, 2021 By Caloy Bueno #PagMayTime ~   Do any of you somehow regret at this time in your life that you didn't take your formal studies more seriously before (during your carefree student days)? Don't worry ~ today the Internet is a treasure trove of readily-available information ~ but only if you really know what to look for! Otherwise, you'll be inundated with unusable or worthless information (for your specific purposes). Anyhow, with reference to those "regrets" mentioned earlier, you may take solace from this (unfamiliar) quotation ~   "Yesterday is not ours to recover, but tomorrow is ours to win or lose." ~ Lyndon B. Johnson (US President after JFK's assassination)   With a Marcos presidency seemingly being unstoppable in 2022, you may feel elatedly hopeful, even euphoric, that "the good times" are soon coming back. But here's another quotation that puts that anticipation into proper context:   "Coming togeth...

TUBIG at LANGIS

Image
Entry #6  Co-love-Boration TUBIG AT LANGIS I-niibig kita kapantay ay langit—sa kabila ng sakit, B-akit ang tanong sa isip ko na nagsusumiksik, U-maayaw ang tadhana kahit na ipilit, B-ilanggo ang puso ng pag-ibig na malabong masungkit, U-miibig sa'yo gayong walang sukli at kapalit, L-arawan mo ang pangarap na hindi ko makakamit, O-o baliw ako sa'yo kasawian  man ang iukit, N-anamnamin ko ang ligayang magkahalo ang tamis at pait, G-umuhit man ang hapdi'y matitiis 'pagkat  puso mo'y iba ang ipinipitik, K-umapit man sa panalangin ay batid kong walang tugon, O-yayi ng kabiguan talos kong sakdal ng panahon. S-aliw ng pighati'y nakadudurog ang bulong, A-ntak ng kabiguan sa puso ko'y lumalamon, H-ilahil ang tinamo ng pusong nagmahal ng lubos, A-anhin ko ang bukas kung karimlan ang kayapos? N-asiphayo—sa pag-ibig tila namamalimos, G-amunggong pag-asa sa palad ko'y dumaus-dos, I-sisigaw na lang sa hangin sa tinig na paos, N-a iniibig kita pagtingin mo man sa akin ...

BAGONG KABANATA: PAG-AHON SA KUMUNOY NG DALITA

Image
By Francis Irean November 21, 2021 BAGONG KABANATA: PAG-AHON SA KUMUNOY NG DALITA Taglay na ang ngiti nang nilingon ko ang kahapon, Banaag—bakas ng hagupit ng pagsubok na sinuong, Ang muntikan nang pagkagupo sa bawat datal ng hamon, Ngunit naging sandata't lakas sa paglalakbay ay baon. Inangkin ko ang tatag sa bawat pagkakadapa, Sa pagbulusok kumapit sa pananampalataya, Landas na tinatahak dumulas man sa luha, Patuloy lang sa paghakbang lingkis man ng dalita. Tiniis lahat ng hirap dugo at luha man ang nanagana, Umasang sa madilim na daan liwanag ay akin ding makikita, Panalangin kong anting taglay ko't hindi nawawala, Lupaypay man at durog may lakas pa ring sumagupa. Larawan ng aking kahapo'y lunod man ng pighati, Pusong naparam balot man sa antak at hapdi, Ang mahalaga hindi sumuko nagsikap nagpunyagi, Makaalpas lang sa bilangguang walang rehas at maabot ang minimithi. At ngayo'y nagsisimula na ang bago kong kabanata, Kung saan ang pagdurusa'y tiklop na ang pahina,...

HIMIG NG ALON

Image
Tula ni Frandres Irean (Acrostic) Napa on the spot akong bigla habang ka chat si Nay Leah HIMIG NG ALON H-imig ng alon ay tila isang bulong, I-winawangis ang magandang awiting sa puso nagkakanlong, M-usikang ikaw lang ang nakakaunawa ng layon, I-pikit man ang mga mata'y dama ang damdaming nandoon, G-umuho man ang kastilyong buhangi'y muling babangon, N-awasak man ang pangarap ay may pag-asa sa dako pa roon, G-umagapos na pighati'y hayaang patirin ng alon, A-ng himig ng alon ay  dadampi sa pusong hindi makaahon, L-upaypay na bagwis muling kakampay pagsubok man ang sumalubong, O-yayi ng kabigua'y mapapawi manalig lang sa Panginoon, N-agdurugong sugat sa haplos ng alon ay maghihilom. Ang larawan ay sariling kuha ni Nay Leah November 18, 2021

Golden Tara

Image
November 13, 2021 Old Manila By Del R Nanoz 9th-10th Century Golden Tara of the Philippines 🇵🇭 The Golden Tara was discovered in 1917 along the banks of Wawa River in Agusan.  It was kept in the Field Museum of Natural History in Chicago, Illinois since 1922. Henry Otley Beyer, the Philippines’s pioneer anthropologist-archaeologist, and some experts have agreed on its identity and have dated it to 900-950 A.D.  They cannot, however, place its provenance because of its distinct features.  The golden statue is made of 21-karat gold, weighs 4 pounds and measures 5 inches in height.  It is a figure of the Hindu-Buddhist goddess Tara. The 21- karat Hindu or Buddhist deity statuette, better known as The Golden Tara, found in 1917 by a Manobo woman named Bilay Campos on a muddy bank of Wawa River in Esperanza, Agusan del Sur is a testament of an elaborate and complex culture and society of pre-colonial Agusan del Sur. Credits/public file Discover asean Ctto to photo/sourc...

HIstory We Never Knew

Image
November 12, 2021 Old Manila Del R Nanoz WHEN KING PHILIP II MET A KAPAMPANGAN WONDER BOY King Philip II, after whom the Philippines was named, was a staunch and ruthless defender of Catholicism.   One story goes that at the height of the Spanish Inquisition against Protestants and heretics, when a condemned man begged him for mercy, Philip replied, "If my own son were found guilty like you, I would personally accompany him to be burned at the stake."   He married the Catholic Queen of England, Mary Tudor, and together they made an unsuccessful attempt to convert England back to Catholicism. He did succeed, however, in wiping out all Protestants from Spain. In 1587, Spain was the world's greatest superpower and King Philip II was the most powerful monarch on earth. Only dignitaries, ambassadors and court officials had access to him.  But on Dec. 15, 1587, a 10-year-old Kapampangan boy (who may have looked like this 19th-century lottery boy in Photo 2 by Albert H...

Sa Aking Pagtanda

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon November 15, 2021 Noon ang aking pagkatao'y ipinakisamang buong- buo Halos napabayaan ko ang aking sariling pamilya. Ngayong matanda na ako'y aking napagtanto Kailangan lang pala ako kung palaging makikisama Sa pagdaan ng mga taon at maraming naging karanasan Lalo't wala akong yaman at pinag-aralan Pang-iinsulto halos ang nakakamtan Iyak ang aking pinakamalakas na sanggalang Ngayon malapit na ako sa salitang Alzheimer o Dementia Aking pinaghahandaan bumasa't humabi ng tula Nang ang aking oras ay bigyan ng halaga Matulog,magtanim,ito pa ang aking ginagawa

ACTS of DESPERATION

Repost  November 15, 2017 "We should never rest on our laurels but use it às an inspiration to work harder for the country's good." ~Donald Borja Sevilla ACTS OF DESPERATION  By Donald Borja Sevilla Now that President Duterte has proven his mettle,  the opposition  has resorted to finding fault even with the most trivial of things.They continue to criticize him at every turn that it becomes clear what their motives really are. When reading the news articles from the mainstream sources, one can feel a sense of desperation in that they are forcing the issue of EJKs even though no significant discussions were made on the subject. They couldn't bring the good news from the bilateral talks  straight to our people without infusing their own bias reporting. So much has happened to our country for the past few days in terms of trade agreements, landmark legislation  and aid commitments signed, not withstanding the fact that our successsful ASEAN hosting  has b...

FILIPINO: WIKA NG PAGPAPAHAYAG

Tula ni Ellen Retoma   Paano ipahahayag, paano susukatin Kaunlarang taglay , kayamanan angkin Ginto’t perlas na lantay  sa bansa natin Kung di sa bawat sambit   ng wikang angkin.   Wikang Filipino na  sandatang tunay Upang  sa lahat ay maipaalam Kung anu-ano an gating taglay Ang ating mga naabot na tagumpay.   Wikang salamin ng ating kaluluwa Ekspresyon upang sambiti’t ibalita Dunong at husay na taglay ng gunita Edukasyo’t aral handog ng Inang bansa.   Sa ating wikang pambansa  mababatid Konkretong batayan ng bawat nakamit Datos , istatistika at talang hatid Pinto ng impormasyo’y di mapipinid.   Ang Wikang Filipino  animo’y tanglaw Mula Luzon, Visayas at sa Mindanao, katutubo man, Ibanag at Ifugao Isyu’t kuro-kuro’y mabibigyang linaw   Wikang Filipino’y ating pagyamanin Sa bawat salinlahi itanyag’t buhayin Iwasang makuntamina , huwag bababuyin Gamitin ng wasto at paunlarin.   Kung wala ang wika kaunawaan ay di klaro M...

TUNAY NA KAIBIGAN

Tula Ni Cherrie Facun Dancel  Kapag nangangailangan ng tulong At may isang taong sa iyo'y nag-abot Ng kayamanang sa panyo'y ibinalot Siya ay tunay na kaibigan. Kung may kinakaharap na matinding suliranin May taong sinamahan kang manalangin Ikaw ay sinamahan at hindi iniwanan Siya ay tunay na kaibigan. Kapag ikaw ay nalulumbay Siya'y nakaalalay at nagbibigay ng gabay Pinapasaya sa kwentong katatawaan Siya ay tunay na kaibigan. Kapag ikaw ay natitisod at nadadapa Sinasabihan kang "Sino kaya ang tanga?" Pinagtawanan, ngunit sa pagbangon ika'y tinulungan Siya ay tunay na kaibigan. Kapag nakakagawa ng kasalanan Sa Diyos humingi ng kapatawaran Nakahanda Siyang magpatawad kailanman Sapagkat Siya ay tunay na kaibigan.

Ang Maya at ang Puno ng Bayabas

Tula Ni Dolores Lapinid  Isang umaga nagpunta ang isang  maya. “puno ng bayabas, maari ba akong makitira?” “Marami  at malaki ang aking mga sanga Ok lang iyon, dalhin mo ang iyong buong pamilya.” Gumawa kaagad ng pugad ang  mga maya Ito ay malaki, kasya ang buong pamilya “Napakabait mo , puno ng bayabas.” “kaibigang maya, mayroon na akong kasama”. “Tayo ay nilikha para gumawa ng kabutihan Hindi ang magpalaganap ng kasamaan” Dapat din natin mahalin ang ating kapwa Ang Maykapal ay laging mapagalaga. Salamat puno ng bayabas, ikaw  ay tunay na kaibigan Marami ang aking mga bunga, kumuha at iyong tikman Mahirap mabuhay ng nagiisa sa malawak na bukirin Hayaan mo puno ng bayabas, babantayan ka namin. © Dolores Lapinid Agosto 6, 2021

Ang Pagmamalabis

Tula ni Lynn Garcia Bato-bato sa langit tamaa'y 'wag magalit Kasi may mga taong puso'y puno ng ngingit Paalala lang para sa inyong kapakanan At nang lumiwanag madilim na kaisipan. Pagmamalabis ay ugaling 'di kanais-nais Mabagsik na leon ang siyang kawangis Dila ay naging mataray at matalim Nararapat lang na ito ay sugpuin. Ako'y nagtataka ba't may mga taong ganito Dahil ba sa yaman at katanyagang natamo? Puso'y sakmal ng poot at pagkagahaman Panahon na upang ito'y matuldukan. Aanhin ang yaman kung isip ay 'di  tiwasay Nag-aalala baka ito'y mitsa ng buhay Ginto't pilak walang saysay, 'di madadala sa hukay Kapag binawi na hiram mong buhay. Sana'y matuto ka nang makisama sa kapwa Dahil mga taong nakasalubong mo pag-akyat pataas Sila rin ang makakasalubong mo sa iyong pagbaba At mas malakas ang tunog ng iyong bagsak Kaysa kanila noong mga palakpak. Bagkus ipunin sa puso pag-ibig sa kapwa At kababaang loob na marunong umunawa Sa mata ng Di...

SMOKE and MIRRORS

Repost From Caloy Bueno #PagMayTime   When you look at the political developments happening almost simultaneously and seemingly spontaneously, it is easy to become confused and even led to different or unexpected 'conclusions' ~ but usually, that's only because there is the tendency to 'jump to confusion' (rather than a definite or correct conclusion)!   In politics, nothing is ever really how things look like ~ because that's what the "smoke and mirrors" device was invented for! Or if you wish to be clearer, just refer to Sun Tzu's sayings ~ especially about confusing the enemy. In war and in peace, in politics and in love, deception has always been a stock practice in trade. Therefore, it's very easy to jump to conclusions (or confusion!) ~ and be mistaken or misled.   When things don't make any sense, that's because it was meant that way ~ for a purpose. That purpose is hidden, of course, and the purported (or discerned by others) pu...

GASERA

Image
Repost  From Batang Pinoy - Noon at Ngayon Tahamik na gabi Kuliglig lang ang naririnig At dula sa radyo Habang katabi mga kapatid mo Sukob sa iisang kumot Nagtatakutan nagsisiksikan Maya² sasabihin na ni Nanay Patayin na ang gasera bago matulog. Nakaka miss lang.😊♥️ -Bugoy🎸

THE BUST

Image
Repost  November 13, 2021 By Jorge Abella ULO NG APO     1980s The bust of Ferdinand Marcos along the Aspiras-Palispis Highway in Tuba, Benguet was a 30-meter concrete monument of former President Ferdinand Marcos Sr. The bust was constructed by the Philippine Tourism Authority in 1978 and was meant to be the centerpiece of the 300-hectare  Marcos Park that would include a golf course, sports club, convention center and a hotel.  The bust was positioned near the peak of Mt. Shontoug so it could be seen by Baguio-bound motorists as far as 3 kilometres away from the monument. Sculptor Anselmo Dayag who built the Eagle of the North in Agoo, La Union and Lion's Head in Kennon Road, Baguio city was chosen to design the bust. After the People Power Revolution of 1986, the bust was bombed in 1989 by the New People's Army(NPA) and sustained cracks and other minor damage. The bust was totally destroyed using dynamite before dawn on December 29, 2002, by suspected tr...

CALOY in ACTION

Image
Repost November 12, 2014 Throwback to Yogyakarta, Indonesia... as RP representative to the ASEAN Experts Group Meeting on Poverty Alleviation (1997) ;) ~ 'pag may time The only time I ever went out of the country, back in 1997. It was to represent our country along with Chito Novales (formerly of the defunct PCFP ~ he was the one who took this picture at the Jakarta International Airport, when we were on our way home) in the ASEAN Experts Group Meeting on Poverty Alleviation. The conference was an offshoot of the senior ASEAN ministers' meeting earlier that same year, to present and discuss all the different ASEAN thrusts and efforts particularly on the rural poverty situation in the region.   The only memorable thing for me that entire time was when the Malaysian deputy minister, who was the confab's presiding chairman, came by after the first day's preliminary meeting just to say to me and Chito at breakfast the next day ~ that as I was reading aloud for the whole con...

Sa Lupa Man May Langit Din

Image
Sa Lupa Man May Langit Din Ni: Jhake Morales kailan pa naabot ng aking kamay ang alapaap?  noong simulan bang hawiin ang itim na mga ulap? noong kaginhawaan  ba ay nalasap at marinig ng itaas ang iyak at pakiusap? sa panahong  pinagsakluban na ako ng langit at lupa tila na namalagi pa ang anghel sa ibaba sinugong kumalinga sa akin ni bathala kanyang malabay na pakpak ay pamunas ng aking luha. sa panahong hindi ko inaasahan doon ko rin siya higit na natagpuan at kahit pa kanyang paraa'y di ko mawari't maunawaan kayliwanag ng pagkilos n'ya sa aking buhay. hindi naglaho ang pagkapagal ngunit ang pighati'y di na magtatagal hindi bingi ang itaas sa bawat kong dasal sugo n'yang anghel sa lupa'y biyaya ang kambal. kapag ka ang buntong hinga ko'y kawalan ng pag-asa ang pisi ng pagtulong mula sa langit ay inihuhulog sa lupa tulad ng ulan ang pagpatak ng pag-ibig at biyaya lupa'y nagmimistulang langit  sa grasya at pagpapala. Comment Jhake Morales  Sadyang mahiwag...

Rizal 160th Birthday

Image
Repost "Kapagka ang baya'y sadyang umiibig  Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanlang kalayaan nasa ring masapit  Katulad ng ibong nasa himpapawid." ~Rado Gatchalian, 160th Rizal birthday 

LEVI CELERIO

Image
From Pinoy History April 30, 2020 ATING BALIKAN ANG TALENTO NG NAG-IISANG LEVI CELERIO Si Levi Celerio ay ang bukod tanging musikero na gumagamit ng dahon bilang kanyang musical instrument na kinilala ng Guinness Book of Records. Si Levi Celerio ay nakagawa ng higit 4,000 na kanta. Ilan sa ang mga nagawa n’ya ay ang "Ikaw", "Kahit Konting Pagtingin", "Saan Ka Man Naroroon?" S’ya rin ang nag-compose ng Filipino lullabye Sa Ugoy ng Duyan, maging folk songs na "Ako ay May Singsing", "Ang Pipit", "Dungawin Mo Hirang", "Itik-Itik", "Pitong Gatang", at "Waray-Waray". Pati ang “Ang Pasko ay Sumapit" o "Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon" Noong October 9, 1997 sa ilalim ng Proclamation No. 1114 ng dating Presidente Fidel V. Ramos tinanghal s’ya bilang National Artist para sa Music and Literature. Namatay s’ya noong April 2, 2002 sa edad ng 91 dahil sa multiple organ dysfunction. Inili...

Motivated by Dr. JP Rizal

Image
Sharing ... Photo credit to the Author #BecomingFilipino   “I made them think that they were more capable than they really were.” ~Rizal, Noli me Tangere Whenever I find myself around a statue of Rizal, I think of this line from his written works.  I don't know why it lingers in my mind... but it motivates me.  The thought of mentally believing I can achieve and be more capable than I really am.   Whenever people send positive messages or belief in something I am doing... I latch on to their words and instill them in me.   Even when I truly don't believe I am capable... that instilled belief from others, drives me to be the best I possibly can be.  I appreciate it. I embrace it. And today, I appreciate once again setting foot in Luneta Park.  This 58 hectare area found right in the heart of Manila is full of history, and a monument that enshrines the remains of Jose Rizal... a National Hero in the Philippines. I was actually out for a jog, an...

SALAMAT NA LAMANG

RIP "SALAMAT NA LAMANG" Emilio Laxamana Aguinaldo May hawak na tungkod kung siya'y lumakad Tanglaw ng paningi'y malabo ang sinag Salamin sa mata ang siyang liwanag Na gabay ng isang parang kapos palad Ang buhok sa ulo na dati'y kay kapal Manipis na ngayo't puno na ng uban Ang gitla sa noo'y hindi na mabilang Mahina ang tuhod hapo ang katawan Pagdakay naupo sa pakakatayo Saka ipinukol tingin sa malayo Habang binibilang himutok ng puso Naglaro sa isip panahong naglaho Nuon mo nadama sa ubod ng dibdib Ang sugat ng puso na sukdol ng pait Kaya't pinilit mong iwaksi sa isip Mga alaalang dulot ay pasakit Salamat na lamang ang naibulong mo At hanggang may lakas iyong napag-tanto Kung sino ang dapat itawil sa mundo At ang mga taong sa yo'y nagkanulo thanks to a friend's help to type ♥*✿*•♥

ENJOY OLD AGE

Sharing (Passed on to me by Ma'am Rhodora Napud)    The Director of the George Washington University College of Medicine argues that the brain of an elderly person is much more plastic than is commonly believed. At this age, the interaction of the right and left hemispheres of the brain becomes harmonious, which expands our creative possibilities. That is why among people over 60, you can find many personalities who have just started their creative activities. Of course, the brain is no longer as fast as it was in youth. However, it wins in flexibility. That is why, with age, we are more likely to make the right decisions and are less exposed to negative emotions. The peak of human intellectual activity occurs at about 70 years old, when the brain begins to work at full strength.  Over time, the amount of myelin in the brain increases, a substance that facilitates the rapid passage of signals between neurons. Due to this, intellectual abilities are increased by 300% compa...

MULTO ni Leah C Dancel

Image
A STATELY GHOST  (Multo)  It was an exceptional day  The atmosphere was surreal  The once lively little town turned eerie  And the man on the pedal started to get fidgety. Beads of cold sweat dripped down his face Crippled by angst, fears and worries  Hopes and expectations were crushed in vain  At home, little hungry mouths awaited his means. It's getting close to noonday  His pocket was still empty, There's no passenger in sight  Then he saw a flicker of light.  Donned in her modest dark apparel With long haired-head covered by a black veil, A stately fair lady appeared. She asked for a ride to a place unravelled.  It was a long winding road trip to infinity  Soon they arrived at this unpopulated spectral city  The lady broke her silence at last In deep grave voice she asked the man to stop.  She paid the driver a handsome sum  He felt her cold hands, not one for a glam  He saw nothing around but a putrid ...

PINTO NG PAGSUBOK

Image
Humihingi po ng Pahintulot na ipaskil.  "PINTO NG PAGSUBOK" (Paglilingkod ng kusang-loob) Ni:Dorie Reyes Polo  Pag-ibig sa Bayan di kayang ikubli Sa munting paraan maglingkod sa kalahi Tatagan ang loob hinaho'y maghari Ang inaasahan kung minsan ay mali. Pinto sa paligid ay nagkakailan Alin ang pipiliin at nais puntahan Sa landas na tama mahirap na daan Dahil mag-isa kang, dapat manindigan Marami sa tao ay sobrang talino Nais pumusisyon ayaw trumabaho Makapal ang apog, at wala pang modo Ugali ay lason, matigas ang ulo. Nais saklawan ang lahat ng bagay Kanyang kagustuha'y ay hindi na normal Maglubid ng buhangin ay sanay na sanay Ang katotohanan ay binabaligtad. Nakakapagtaka, may karismang bahag Sa kayabangan, ay may nahihinlak Walang pakundangan kung Ika'y mawasak Basta't ang gusto n'ya ang isasambulat.  Kailan gigising ang manhid na lupon Kailan mumulat ang bulag na kampon Sayang ang huwisyong sa yabang nabaon Bakit kokonsentihin ang lintang umusbong.  Pin...