Posts

Showing posts from August, 2021

ABAKADA NG ATING WIKA AT AWIT

Image
Tula Musika  Sa panulat ni Jose Ava Velasco (Sinulat noong 18 July 2006) Buwan ng Wika Bilang huling araw ng Agosto, Buwan ng Wika, narito ang ating kasamang makata na si Jose Ava Velasco, tubong Atimonan, Quezon, na ngayon ay nasa Sydney, Australia na. Naaalala ko pa ang awit ng abakada Na inawit ni Florante noong ako ay bata pa Ngayo’y aking aawitin subalit may kaiba Ito’y aking binago para sa Linggo ng Wika Kaya’t halina kayo at inyong pakinggan Itong awit na wika na ating kailangan Wikang abakada na ating kinamulatan At dito rin hahantong susunod na kabataan A BA KA DA E GA HA I LA MA NA NGA O PA RA SA TA U WA YA A - ting wika at kailangan lang B - agay na dapat pag-aralan K - arunungang matatagpuan D - apat ituro sa kabataan E - wan ang sagot kung di nila alam G - agayahin ba itong mga mangmang H - ahayaan bang sila’y magkagayon I - wasan natin kung may pagkakataon L - abis-labis ang makukuha M - agsikap lamang at pag-aralan N - asa wika ating pag-asa Nga - yo’y sikapin na ito ay

RAMON MAGSAYSAY, TAPAT NA PILIPINO

Image
Maikiling panulat ni Rado Gatchalian   Ngayong ika-31 ng Agosto ay inaalala natin ang kaarawan ng isang tapat at magiting na Pilipino — Pangulong Ramon Magsaysay, tubong Iba, Zambales. Naging Pangulo mula 1953 hanggang 1957. Sa kasamaang-palad ay bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano sa Bundok Manunggal, Cebu noong Marso, 17, 1957. Naiulat na nasa dalawang milyong Pilipino ang nakilahok, nakiramay, at nagluksa sa state funeral na ginawad sa kanya. Itinuring ng mga Pilipino noong nabubuhay pa siya bilang “kaisa” nila lalo na ang mga magsasaka, mahihirap, at ordinaryong Pilipino. Naging Pangulo ng Masa. Naging malapit sa puso ng tao. Sa kanyang panunungkulan ay binuksan niya ang Malacañang para sa Pilipino. Kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na nagsuot ng barong tagalog noong siya’y nanumpa bilang Pangulo. Nakalulungkot na ang bagong henerasyong Pilipino ay hindi na masyado kilala si Pangulong Ramon Magsaysay. Isa siya sa dapat na magsilbing idolo o modelo ng Kabataang Pilipino. May

WIKANG FILIPINO: BIGKIS NG PAGKAKAISANG PILIPINO

Tula ni Feliz Ruiz Wika ay tulay sa Arkipelago na binubuo Ng 7,604 na mga isla Tunay na nagkakaisa sa Filipino, ating Wikang Pambansa Sunod sa dayalekto ng probinsya Wikang Filipino ay tangkilikin Susi sa pagkakaunawaan, paggalang, pagkakaisa natin. Wika ang simbolo ng pagkakakilanlan ng isang bansa, Dapat ituro ito sa eskwela, pamayanan, pagyamanin ng madla Tulad ng ilog, patuloy sa pag-agos, suporta sa bawat panig Salik ng kultura, kaluluwa ng puso at diwa, bayan at pananalig. Katulad ng tahanan na may matibay na pundasyon, Mga bayani, kasaysayan, watawat, wika at Konstitusyon Bilang bansang malaya, nagkakaisa sa pambansang layunin Ating gamitin, tangkilikin, ang pambansang wika ay mahalin. Isa lang bansa natin, wika ang nagdudugtong ng kapuluan Magkaisa tayo tungo sa pambansang  pag-unlad at kabutihan Maging masunurin sa batas na Wika ay dapat pagyamanin Pilipino tayong nagkakaisa, isang bansa, isang damdamin! © Feliz Ruiz Filipino Poets in Blossoms🌸  August 21, 202

ANO ANG KULAY NG BUKAS?

Image
Ni Duio Ampilan Paumanhin sa mga kabataan, magulang, ate, kuya, tito at tita kung ang sanaysay na ito ay kukurot sa inyong puso. Una, ang kwentong ito ay hango sa aking karanasan. Maaaring magkawangis ito sa inyong kwento at pinagdaraanan. Maraming kabataan ngayon na sa kabila ng pag-aaruga at pagsuporta sa kanila upang maging matino at makatapos ng pag-aaral ay napapariwara at nababalin ang direksyon ng buhay sa nakababahalang sitwasyon. Mapalad kayo kung may pagkain kayo sa hapag-kainan umaga at gabi. Mapalad kayo kung may sumusuporta sa inyo sa inyong pag-aaral at pang-araw araw na pangangailangan. Mapalad kayo kung may magulang o kamag-anak na umaaruga sa inyo. Mapalad kayo kung sa Pilipinas kayo nakatira. Iilang kwento na ba ng kabataan ang ating narinig, nasaksihan o naranasan na nauwi sa pagkalulong sa droga, pag-aasawa sa murang edad, paghinto sa klase at tuluyang nalulustay ang oras na walang silbi.  Ilang kwento pa ba ang dapat danasin o masaksihan para ang mga dusa at pasa

A SOLDIER'S REQUIEM

Image
A repost from the past :  I am Christopher Rama. In all likelihood, you don't know me and never will. I died yesterday at Zamboanga City in the service of our country. 😢 To the rebels who killed me, I forgive you. I'm sure you just followed orders like I did mine. Lay down your arms and rejoin the Zamboanguenos rebuild their homes and the city. To the leader and instigator of the rebellion, I dare you to come out and face the consequence of your act. No cause is just if pursued with violence. To those who call for peace, I ask you remember that it's a truce between two parties. There can never be peace if one often breaks it. To officials who crave for the limelight, stop and let my commander-in-chief do what's best for all. Loss of life and limb isn't a political game. To my PMA class 2008 mistahs, I leave to you my 1st Lieutenant patch. Continue to defend our country with honor, courage and integrity. To my countrymen who care, I entrust to you my young wife and

LIFE IS A GIFT

Image
By Melany Amante Mabao Maguindanao Before my spectacled failing eyesight, I witnessed a freak accident happened in front of us just a few meters away from the windshield of our ride. Things flashed like a lightning thunderbolt that froze us in horror. We were climbing up a steep slope in an area  known as "Heaven," early last night. It was cold and dark, and the rain was pouring hard. Suddenly I saw coming from the highest point of the slope a white fortuner rushing swiftly and going down like a flash towards us on the other side of the road. It's hood bumped into something ahead of it I only came to know as another vehicle after the accident. At that split of a second view, I was not seeing the other vehicle (A Revo) where it bumped because it was actually a black one without a headlight or maybe it had but its light was so weak against the fog and the rain. At the moment of the strong impact, I saw nothing of the second vehicle. I only saw this white moving thing smack

Breaking Down The Latest

By Caloy Bueno Let's break down the latest announcement that Sen. Bong Go has declined the PDP-Laban endorsement (originating from The Man himself) to be their standard-bearer for the 2022 national elections. As said earlier, this pairing (Go as President, The Man as Veep) wouldn't fly ~ although The Man will still push that nomination for the Veep position, if only to irk the opposition some more!   Bong Go knows he's just not presidential material. The Man pushed him for that candidacy mainly to drive home the point that even Go is better than anyone the opposition could put up as candidate for the presidency. Some people could accept that ~ after all, The Man himself would still be there to guide his most trusted protégé around the landmine-infested presidential position and job. But anyone who is president however will not be able to avoid for long making the hard decisions ~ the buck stops with the President, after all ~ and Go knows that very well.   But now that the

PAG-IBIG SA TINUBUANG WIKA

Image
Ni Rado Gatchalian Kadalasan bilang isang nilalang at maging Pilipino na rin ay mahilig tayong sumabay sa agos ng panahon. Kung susumahin ang ating mga galaw at panuntunan sa buhay: ginagawa lang natin ang mga bagay-bagay kung ito ay napapanahon. Ngayong Buwan ng Wika nagsusumigabo ang ating pagdiriwang kultural at makabayan. Karamihan sa atin ay nag-uudyok ng paggamit ng ating sariling wika. Katangi-tangi naman ito at lubos na dapat ikarangal ang gawaing ito. Subalit ang ating panawagan at panalangin ay maikintal natin sa ating isip ang tapat na pagdiriwang na ito. Magiging tapat lang tayo kung pagsusumikapan pa rin natin na gamitin ang Filipino o Tagalog sa ating pang-araw-araw na pamumuhay: sa ating pakikitungo sa kapwa, pagsasalita, at maging pagsusulat na rin. At hindi lang ito nagsisimula at nagwawakas tuwing buwan ng Agosto. Isang hamon sa ating lahat na ipagpatuloy ito sa bawat buwan at buong buhay natin. Hindi rin naman masamang maging hasa sa wikang Ingles o iba pang wika. Ka

PASINGKIL

Image
Tula ni Dorie Reyes Polo Makulay na katutubong sayaw ng mga Maranao, Sa Lanao Del Sur. Mindanao. Balik-tanaw  " SINGKIL " Para sa akin  Sa bawat salpok ng apat na kawayan Tunog ay ritmong kay sarap indakan Sa unang yugto, alalay sa dalang, Dahan-dahang ginising ang dugo ko't laman. Pag padyak ng paang may taling kulingling Maghanda na kayo ang ibig sabihin Ingay ng kalangsing hindi malilihim Hudyat na kawayan umpisahang pukpukin.  Tila ba indayog ang saliw ng ingay May bilang at tiempo, dapat sabay-sabay Paa'y kong mabilis, sa padyak ay uhaw. Ramdam ko'y Prinsesang "di mahapayang gatang"! Kaya't palakpakan, naranasan ko na, Tuwa ng puso ko'y hindi maipinta Mabuti't maliksi noong ako'y bata pa. Hindi nakaranas, maipit ang paa. 💪🤪🥰💖🍀 Reserbadong lahat ng karapatan @DRPolo Agosto 25, 2021 Kwentula ni: Dorie Reyes Polo Source: FB  By  Permission

LINGID SA KANYANG KAALAMAN

Image
Hinila mula sa panulat ni Dr. Ethel Pineda Seriously? I hear  people (30+ years old and younger) speak this way: Ma'am wala na po si sotanghon, si spaghetti na lang. I wanted to answer, " Sabihin mo kay spaghetti, diyan na lang siya." Balarila isn't taught in primary and secondary schools anymore? Sa mga bagay, ang pantukoy ay ANG. Ang pancit. Ang tinapay. Ang Ventolin. Ang ulan. Ginagamit ang Si sa mga pangalan ng tao at maaari din sa mga hayop na binigyan ng pangalang pantangi (proper nouns). Si Ate. Si Sarah ( ang ate, ang babae), si Bantay, si Muning  (ang aso, ang pusa). Juskoday. Sariling wika natin, hindi maitama. Note that these are 30+ year olds. Nag deteriorate talaga ang quality ng education sa panahon ng mga incompetent. Source: FB August 27, 2021

DALAWANG TULA

Dalawang tula para sa Buwan ng Wika Salamat FPB! Ni Jeffrey Cejero PAMANA NG ATING LAHI Pilipino ako mula sa Perlas ng Silangan. Bansang nagniningning na aking kandungan. Gamit ang Filipino at mga katutubong wika, Na hinabi ng panahon ng bansang malaya. Wikang Filipino, siyang tagapagbuklod. Bawat salita nito’y kalugud-lugod. Sumasalamin sa makulay nating kultura, At tinitibuk-tibok ng pusong nagkakaisa. Wikang Filipino, ating gamitin at pagyamanin. Saanmang panig sa mundo, lagi nating isipin, Wikang Filipino, pamana ng ating lahi. Isabay sa pag-unlad ng ating maharlikang lipi. ➖💠➖💠➖💠➖ Katutubong Wikang Gagamitin: Ilocano Mga salitang gagamitin: pagawidan- kanlungan nadillaw- napansin silaw- tanglaw nakababain- kahihiyan kinalammin- kalamigan inaramid- ginawa adal- edukasyon GININTUANG KATUTUBONG WIKA  Ako’y sumibol sa Perlas ng Silangan. Nagningning kasabay ng ating pagawidan. Ako ang bigkis sa lahat ng mga Pilipino At susi sa kalayaan ng ating mga ninuno. Ako ang bantay sa lipi ng

ANG AGILA AT SISIW

Image
Tula ni Ku Ris Sa aking paglayag, pakpak ko'y napunit Sa tinungong himpapawid; nadarang sa init Ngunit mapalad sa parang' nadapuan Akong pobreng sisiw niyapos't minahal Pakpak kong lupaypay, pinalakas't tinahi Nang sa muling paglayag ay 'di na muling mabali At sa hampas ng hanging sasalubong May tapang na 'di kukurap ano mang alulong. At kaypalad ko sa nasilungang pugad, Inahing may kandili, sariling pakpak iniladlad Ako'y niyapos at pansamantalang inilipad Upang manumbalik ang apoy na abutin ang mga hinahangad. Salamat, Inahing Agila Helen Sarita Salamat sa handog mong malasakit at pagmamahal. Salamat sa regalong 'di ko lubos inakalang matanggap. Habambuhay ko itong pasasalamatan. Source: Filipino Poets in Blossoms 

DUYAN

Image
Tula ni Duoi Ampilan Photo by Duoi Ampilan  International Humanitarian, Father, Poet Ang bukid ay duyan ng kamusmusan. Salat man sa yamang natitinag ang buhay ng tao pero nag-uumapaw naman ang kanilang ligaya. Ang kanilang tagumpay ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi sa kalidad ng kanilang pakikipagkapwa, ligaya, pagtanggap sa realidad ng buhay, kung paano ginugugol ang buhay sa mga sandaling lipas at pananampalataya. Ang tunog ng kalikasan ay musikang umaaliw sa damdamin. Source: FB August 26, 2021

MY MARANG STORY

Image
As told by  Mychell Malupa  Marang (Artocarpus odoratissimus) is native to Borneo, Palawan and Mindanao Islands. Lami ni siya. Mas lami pas iyaha. Sa una tong college pa ko, inig makauli kog bukid (Azpetia) masugat nako akong paternal uncle nga tagpila ka sako iyang karga sa kangga. Sa iyang kabuutan, bisan pag daghan iyang marang, dili jud siya kahatag nako bisan isa. I love marang jd. Kay dili manangit sa imong ngipon inig kaon. Dili pud siya aslum nga sama sa iyang nawong. FF. Sa pagkamatay sa akong Papa last December 2020, nagwild siya kay nilabay ra daw ko sa iyang atubangan. That was 11pm. Taligsik, lapok, danlog og kapoy kay oras kapin pud ang biyahe gikan BXU-AZPETIA. Gikan pa pud ko nagduty sa skol, unya naggrocery daun pag-abot sa akong manghud (late ang pag-abot kay delayed og oras kapin iyang plane from Manila kay zero visibility ang Bancasi airport that time) so gahol na kami sa oras. Masama pa ang panahon. So need nakong ibutang akong gibitbit left and right hands para du

WARS

By Joffre Balce Wars are declared by those  Too scared and old to go and fight Too rich to lose their fortunes Too smart to miss opportunities Too powerful to leave their posts Too noble to get their hands soiled But they sacrifice the lives of others who are  Too naive that they will fight and die for free  Too foolish to realise they're being used Too young to even know life's purpose Too poor to generate more choices Too weak to protest for justice @Joffre Balce August 13, 2021

BINIGKIS NA PUSO

Image
Nagkita at umibig sa isa't-isa  Nag sumpaan na mamahalin ang bawa't isa  Lupa at langit man ang kanilang pagitan Langis at tubig sila'y naturingan.  Si Nanay ay napadayo sa malayong pulo  Nang kanyang mga magulang ay kapwa yumao  Si Tatay ang naging kadaup-palad  Sa nakalunos buhay, sila'y mga sawim-palad. Kakatwa ang kanilang pagkakilala  Sa usapan sila'y may kanya-kanyang wika. Paano kaya sila nagkaka-intindihan Habang mga puso'y nagkaunawaan? Sa pagsasama'y hindi kinulang ng mga paghamon.  Ang buhay ay tigib ng pagsubok tulad ng dagat na maalon.  Sa bilis ba ng panahon habang ito'y nagpa-ikot-ikot; Binigkis na mga puso, di naka-iwas sa  bagyong masalimuot.  ©Leah C. Dancel Copyright@2021 All rights reserved  August 20, 2021 SH-Australia  Filipino Poets in Blossoms 🌸  Tema sa Ikatlong Linggo ng Wikang Filipino: Bigkis Magkakalayong Pulo (NB: Ito'y katuwaan lang at di kasali sa paligsahan.)

MARIPOSANG ITIM

Image
Tula ni Rado Gatchalian Handog para kay Lina Cabaero Makulimlim ang dapit-hapon At nanginginig maging luntiang dahon; Ang tuyong lupa’y may pakiusap, Naghihintay sa pagpatak ng ulan. Ang mariposang itim sa bulaklak at hardin Ay paroo’t parito, maging sa lilim, Hindi susuko, hindi mapapagod, Lilipad nang payapa at buong lugod. Sa iyong buhay na pinagkaloob: Ang kagalakan ay para sa karangalan ng kapwa, Para sa bayang nagmamakaawa, At pakikibaka para sa mga kababaihang binusabos. Katulad ng paglubog ng araw, Malamig ang simoy ng hangin sa bayan, Naroon ang iyong ngiting nanunuyo Sa lupang iyong hahagkan nang buong-buo. POSTSCRIPT: Magkakaiba man ng tinahak na pakikibaka: iisa pa rin ang daluyan ng batis. Ito ang pag-ibig natin sa bayan at kapwa. Sa tuwi-tuwinang pakikipagsapalaran, patungo roon at dito, pagminsan tahimik, pagminsan may ingay: subalit may iisang damdamin at panalangin — ang makamit ang pagkapantay-pantay at katarungan lalo na sa inaapi at nalimot ng lipunan. Minsan kong

PAGSILANG

Image
Tula ni Shiery Ann M. Garcia  (Pangunahing Gantimpala Tula Sa Biyernes August 13, 2021) Larawan pagmamay-ari ng Blog Adm  Kung mayroon mang petsa na sa atin ay napakahalaga Ito ang petsa ng ating pagsilang, hindi ba? Petsa kung kailan tayo iniluwal ng ating ina Petsang tayo ay lumabas mula sa sinapupunan niya. Marami sa atin ang may inaabangan Ang pagdating ng ating kaarawan Kahit na malayo pa, sa kalendaryo ay bibilugan Naroon ang galak at siglang nararamdaman. Subalit may ilan sa atin, nakakalungkot man Na ang kanilang pagsilang ang lubos nilang hindi nagustuhan Ang ilan sa kanila'y isinilang at iniwan lang kung saan. Matapos iluwal, sila ay pinabayaan. Sa ating pagsilang, mayroon mang pagkakaiba Ipinanganak man sa kalsada o sa malambot na kama Normal mang inilabas o ang nanay ay inopera Bawat isa ay regalong nagmula sa Kanya. Masakit at mahirap na maintindihan Bakit may mga pagsilang na hindi hinahayaan Mga dahilang hindi natin matarok Hindi ba nila batid na ang bawat pagsilang

SA PANAHON NG PAGKABATA

Image
Tula ni Bebang  August 15, 2021   ...  Sa Bunton ng mga Dayami Nuon nga ay kaunti pa lang ang mga taong naninirahan sa Marikina sa lugar ng Paliparan Ang malalawak na mga bukid na nakapaligid ang nagsilbi naming palaruan Makikita mo ang nakatambak na bunton ng dayami pagkatapos ng anihan Mula umaga hanggang gabi, ang paglalaro doon ang aming pinag-kakaabalahan ... Humahanap kami ng madadala naming mga karton  para gumawa doon ng bahay-bahayan Bawat isang kasali ay obligadong magdala ng sandakot na bigas at kami'y maglulutu-lutuan Abala ang iba sa kanilang saranggola at sa pagpapalipad nito ng mataas, sila'y  nagpapaligsahan May naglalaro din ng base ball, ingat ka lang dahil sa paghagis ng bola, baka ikaw ay tamaan ... Sa isang gilid naman ay may makikita kang nagtuturo ng tungkol sa bibliya para sa kabataan Pagkatapos ay magtatanong na siya at kung nakikinig kang mabuti ay magkakaalaman Ikaw ay tatanggap ng ibinibigay na pabuyang kuwaderno sa bawat tamang sagot sa kanyang kat

THE FILIPINO IS NOT A LOST CAUSE

Repost from August 14, 2017  by Yesu Ben REPOSTwith permission  "We need faith, hard work and dedication towards the fulfillment of the Filipino dream." ~Yesu Ben Being a DDS means that you MUST believe in Duterte’s dream. It means that you know why Duterte is breaking his back 20 hours a day for you and me. When you declare your support for Duterte whilst saying that you’ve lost faith in the Filipino, you might as well be yellow for these two things do not reconcile. Nonetheless, thank you but no thanks because we do not really want just another number…for we are already many. What we need now, what is urgently required right now, is more faith in ourselves, more hardwork and dedication towards the fulfillment of the Filipino dream.

INANG KALIKASAN

Image
Tula ni Napoleon Torres III "UMI" Artist: Daniel Popper Source: Unique Trees  Pagmamahal sa kalupaan ang handog ni Inang Kalikasan. Pagmamahal din sa yamang lupa ang inaasahan niya sa Sangkatauhan. Subalit ang tao ay gumawa nang malaking kasalanan. Unti-unti niyang sinisira ang mga kagubatan. Yakap ang mga supling na kakahuyan. Tanging mga ugat na lamang ang kanyang namamasdan. Hapis ang mukha dahil sa kalungkutan. Mga tuyong ugat nang mga puno kanyang hinaplos at hinalikan. Namutawi sa kanyang mga labi... "Nasaan na ang awa nang mga tao? Inabuso ninyo ang mga anak ko! Sa mga murang gulang inyong pinagpuputol! Ako ay labis na tumututol!" Darating ang araw na ang mga puno na nagtatanggol sa mga kabundukan. Sa ginagawa ninyong labis na pamumutol ay mauuwi sa kawalan. Ito ay magiging sanhi nang isang malagim na kapahamakan. Guguho ang mga bundok, mga tao at mga bayan ay matatabunan. Hinaplos muli ni Inang Kalikasan ang mga tuyong ugat. Ang mga ito ay parang mga batang

MGA PAGPIPILI

Tula Ni Myr Reyes E. Tejada Ang buhay ay isang hubad na regalo Sa atin iniwan pagbalot kung paano Sa makulay bang karton na may taling laso O sa isang luma at kusot na dyaryo Ikaw, paano mo ginawa ito? Dati’y ating utak, tasang walng laman Kung anong ilalagay sa atin iniwan Umaapaw, puno, o di kayay kaunti lamang Inilagay ba’y gamot, lason, basura o yaman Ikaw, ang tasa mo, ano ba ang laman? Isang pusong wagas sa atin binigay Ng Dakilang Lumalang nitong ating buhay Pagyamanin, ingatan, o yurak-yurakan Ipinagkatiwala sa ating mga kamay Ikaw, puso mo bay nakangiti o luhaan? Tayo ay binigyan libong pagkakataon Hinamong tumanggap o di sumang-ayon Inakay sa landas na dapat tunguhin Subalit malayang lumihis o sundin Ikaw, ang pinili mo ba ay alin? Ipinakilala din sa’tin ang lipad ng oras Gawing kaibigan o kaaway na Hudas Gamitin ng tama, inaksaya ba o iyong winaldas Sa iksi ng buhay sanay sinakyan ang pakpak Ikaw, saan nakarating iyong mga yapak? © Myr Reyes E. Tejada 06/08/2021 A translati

"HINAING KAY AMA"

Image
Tula ni Anelyne Aragon Ruflo Simula noong sapul pa ako Presensiya mo ang 'laging hinahanap ko. Sa mga panahon na galit sakin ang mundo, Nasaan ka upang protektahan ako? Ama, noong maliit pa'y pinangakuan mo ako Pinanghahawakan ko iyon, kasi akala ko'y totoo. Kahit pagmamahal at kalinga mo'y inaasam ko Umaasa na sana, nasubaybayan mo ang paglaki ko.  Ama, ilang graduation ko na ang dumaan? Ilang kaarawan ko na ang iyong nalipasan? Sa bawat pag-akyata sa intablado'y, luha ko'y agad nagsibagsakan Kahit ang pagsabit ng medalya ko'y 'di mo nasaksihan. Ama, gusto kong magtampo sayo  Gusto kong sabihin lahat ng hinanakit. Gusto Kong kamuhian ka sa lahat ng ginawa mo, Ngunit wala akong nagawa, kundi ang  umiyak sa dulo.  Sa mga panahon na kailangan kita, Si ina ang naging sandalan ko kasi wala ka! Sa tuwing nakikita ko ang iba kasama ang ama nila Napapatanong ako "ano kayang pakiramdam magkaroon ng ama?" Ama, 'di ko magawang magalit sayo Ikaw ang

MAHALIN ANG KALIKASAN

Image
Tula ni © Emilio Laxamana Aguinaldo Huwag nang tapunan ang dagat at ilog  Ng basura't duming balana'y madampot Mga isda duong ating sinasalok  Baka manga-lason sila'y manga-ubos Mga punong kahoy sa bundok at parang Huwag  nang putuli't ating alagaan Pag sila'y nawala't lubos na naparam Wala nang sasangga sa bagyo at ulan Mga punong kahoy ating pag-yamanin Tayo ay mag-tanim ating padamihin 'Pagkat mga ibon duo'y lumililim Duon namumugad duon nag-susupling Yaong mga lupa na ating binungkal  Na ping-tatamnan ng palay at gulay Ay ating ingata't huwag pabayaang  Ang mga gusalii duon ay mag-tahan Ang dagat at bundok ang ilog at bukid Mga punong kahoy sa ating paligid Sila'y kalikasan sa mundo'y kasikip  Nang tayo'y isilang dito sa daigdig Pag pinabayaan at di iningatan Baka maubos na ang puno sa parang Ang isda sa ilog baka mangamatay Maubos ang bukid wala nang pag-tamnan Itong kalikasan kapagka nagtampo Ating maiiwan saan pa tatakbo  Baka mang

BASAG

Image
Tula ni Ester Vargas   O, sinta kong nilalangit, Ano ang nangyari’t puso ko’y nagulanit. Hindi ko na ipagpupumilit, Sasaktan mo rin ako nang paulit-ulit. Ewan ko ba, dati naman akong nananahimik sa isang tabi ako ay nakasiksik. Ano’t pinukaw mo ang damdaming pikit. Pinadamang pag-ibig ay abot hanggang langit. Araw ay puno ng kaligayahan. Bawat segundo ay hitik ng pagmamahalan. Bigla kang nanlamig, nilimot ang sumpaan. Ano ba ang aking naging pagkukulang? Hindi ko sukat akalain, Makailang ulit ko mang limiin. Nagsusumigaw itong damdamin. Habang-buhay na lamang bang maninimdim? Basag man ang aking panlabas na anyo. Pipilitin kong makabangon at tumayo. Kagaya nitong tanim sa paso. Umusbong kahit na ang sisidlan ay di buo. Biriterang Makata  dubai uae Filipino Poets in Blossoms 🌸  #micropromt_15 Dex Amoroso

"The Love Pitcher"

Image
By Nap Torres Porcelain carafe painted with red roses. Sat at the table of old. Gentle handmaid possess. Honey dew it hold.  A man came a prince in guise. To the maiden asked a glass of water. Though she was surprised, She poured a glass from the porcelain pitcher.  From the glass the prince drank. The taste of that water is great he said. Reached for the maiden hands and gave thank. The handmaid was shocked but was not afraid.  Dear sir you are welcome. Water is for everyone. Though it was honey dew and not water your thirst was overcome. It is just but one of my duty i had done.  Words that she had spoken touched the heart of the prince. Though in ragged clothes the handmaid is still pretty. The prince in guise saw in her beauty. Feeling in love so intense.  Oh you are so lovely and so kind. My lady will you care to marry me? The handmaid thought in her mind, Is this man crazy?  The handmaid though fell in love too. To the handsome prince her heart beat fast. So she said "yes

YAMAN

Ni Emasu Poetry  Halika at sabayan si lola Nang ganda ay masilayan, Pagkat lahat maging baliwala Kung di tanggap itong yaman. Umupo ka at titigan paano Natangay sa pagkakamali, Nakalimot sa pagpakatotoo. Masdam mo luha ng pagsisisi. Tandaan mo aking mahal Ang kamalia'y iwasan Dyan nagdusa ako ng matagal. Buhay gawing makabuluhan. Sa mundo limitado ang oras Wag mong hayaang masayang, Sa pagpahalaga maging bukas Sana ang puso at iyong isipan. Panahong nasayang ay sabik. Pagpapatawad wag ipasuntok Dahil hindi na maibabalik Ang tubig ng dagat sa bundok. Sana di ka magpapadala Kung karimla'y bigay ng buhay. Magsikap at ipapaubaya Ng Diyos na laging gagabay. Pag-ibig ang laging ipaibabaw Kapwa tulungan at mahalin. Yaman ay bigyang tanaw Pagkat tunay yan na mithiin. Ginawa tayo para sa kapwa, Pahabawaan ating pag-unawa. Source : Eds Oacnam 

DALAGANG PILIPINA

Image
Tula ni Lyn Ramos V. Alfonso  Dalagang Pilipina Maganda kang dilag, rosas ang katulad Pag namumukadkad, ang ganda mo'y hayag Dangal ka ng lahi, kaya't nararapat Na sa buong mundo, ika'y mamayagpag. Sa kilos at asal, namumukod- tangi Sa mga salita'y mayrong pagtitimpi Sa mga papuri, ang sagot ay ngiti Sa puso ay wala, ang pananaghili. Kung may mag aalay sa 'yo ng pag ibig Ang ginagamit mo ay talas ng isip Tapat na hangarin, ang dapat mabatid Ang kislap ng ginto'y di dapat manaig. Katulad ng isang babasaging kristal Iniingatan mo karangalang taglay Kung naisin mo nang humarap sa altar Haharap kang buo, walang alinlangan. Ang katangian mo'y dapat tingalain Kahit na ng lahing mayaman sa atin Katulad ng tala kung gabing madilim Do'n sa kalangitan, ika'y nagniningning. ©Lyn Ramos V Alfonso Photo : Ctto Filipino Poets in Blossoms 🌸  August 9, 2021

PARALUMAN

Image
Tula ni Napoleon Torres III Pagsikat nang araw sa umaga. Pagdilat nang aking mga mata. Hanap nang tingin ay ang iyong ganda. Sa aking abang buhay tangi kong ligaya.  Maligaw man sa kagubatan nang mundo, ikaw pa rin ang hahanapin ko. Magdilim man ang kapaligiran, ikaw lang ang liwanag na babalikan.  Paano kaya ang buhay ko sinta? Kung sa buhay ko ay wala ka? Matutulad ako sa mga batong madudurog sa ulan. Kung sa habang panahon ay walang masisilungan.  Naging mapalad ako nang dumating ka sa buhay ko sinta. Binuhay ang puso ko nang ibinigay mong saya. Sa maamo mo na mukha ako ay madalas mangarap. Kapag nasisilayan ka nawawala ang mga nararamdamang hirap.  Dumating ang panahon na ang mga tuhod ay bumaluktot. Sa kahinaan ko ako ay nalungkot. Paano na ang halaman? Kung hindi na pumapatak ang ulan?  Pagibig ang mahalaga at hindi ang ano pa  man. Magkakasama tayo hanggang sa kamatayan. Mahal na mahal kita sinta tandaan mo. Wala kang kapalit sa puso ko. Napoleon Torres lll 08082021 

TANAWIN

Image
Tula ni  ✍⚘Rose Licudo Kaygandang malasin ang tanawin sa parang  Berdeng damo at palay sa kapatagan. Mga nagtatayugang puno sa kabundukan.  Na sumasabay sa hanging amihan. Kaysarap samyuhin ang malinis na hangin  Malayo sa pulusyon at global warming.  Ang lamig nito'y umuukilkil. Sa kaibuturan ng diwa Ko't damdamin. Napakagandang tignan ang malakristal na tubig. Bawat tama ng  sinag ng araw ay nagniningning. Na tila ba dyamanting  nakakalat sa hangin. Nag-aanyayang,"Halika magtampisaw ka sa akin."  Sa pagdaan ng panahon at siglo. Kariktan ng nayon unti unting nagbabago. Mga  puno sa kabundukan ay naglalaho. Ang dating malinis na ilog ngayo'y puro burak at basura. Preskong hangin ay nawawala na. Kailan mo papahalagahan ang bayang kinalakhan? Kailan mo  bibigyan pansin ang kalikasan. Kailan mo mamahalin ang iyong pinagmulan? Kapag huli na ang lahat at wala nang  babalikan? 🖊08012021 Janet Rose Licudo  Filipino Poets in Blossoms 🌸  🐄🐄🐄🐄🐄🐄🐄 Sumagot si Jove Us

ANG LAYON AT HALAGA SA BUHAY

Buwan Ng Wikang Pilipino Unang Tula Sa Buwan Ng Wika ❤❤❤ "Ang Layon At Halaga Ng Buhay" Bawat oras sa anumang panahon, May magbubukas na pagkakataon, May mga kabiguan sa bawat hamon, May mabubuong tama at maling pagtugon. Ang pagsuko ay 'di isang karuwagan, Bagkus ito'y nagdudulot rin ng kapayapaan, Nagiging daan upang isip ay lawakan, Na nagbubunga ng matiwasay na kalooban. Sino ka, sino ako, sino nga ba tayo, Mayaman, mahirap, sikat ka ma't matalino, Ang kaligtasan mo'y 'di nakabase sa plake at ginto, Kungdi sa kung pa'no ginugol buhay mo sa mundo. Ang lalim at lawak ng dagat, Maging ang lupa't langit sa kanilang agwat, Di mo matalos hiwagang kabalikat, Ngunit alam nating Diyos ang Siyang lumikha sa lahat. Kung maglalaho ito't lilipas, At sa kapwa't kalikasan di tayo naging patas, Sa buhay nating magwawakas, Sa'n pupulutin kalul'wang sa kabuktuta'y naaagnas? Ang ating buhay ay hiram lamang, Sa malao't madali, hininga'y